ILANG araw na rin mula ihatid ni Zayd si Elli sa bahay nila nang manggaling sila sa mountain site. Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon pa si Elli na makausap ang binata dahil naging busy na ito. May pagkakataon lang na nagte-text ito sa kaniya pero hindi na sila masyadong nagkakausap. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nalulungkot siya sa ganoong set-up nilang dalawa. Habang tumatagal parang nagiging sigurado na rin siya sa nararamdaman niya. “Elli!” tawag sa kaniya ng Mama niya. “Yes, Ma?” pagsagot naman niya dahil hinahanap siya nito, nasa balcony kasi siya ng mga oras na iyon. Nakaharap sa laptop niya ngayon, naghahanap ng trabaho at nagpapasa na rin ng application. “May dumating kasi na letter, oh,” wika nito nang makalapit sa kaniya at inabot ang white envelope na hawak ni

