Chapter 34 - Weird Malamig ang simoy ng hangin kaya mas masarap ang pagtakbo. Nalalanghap mo ang sariwang hangin galing sa mga nagtatayugang puno dito sa gilid ng boulevard. Nakalinya na kaming tatlo, pumapagitna ako dito sa dalawang kasama ko, sumipat ako kay Jacob na hanggang ngayon ay nakairap parin. Parang 'di namin sya kasama dahil ang tahimik nya. Si Russel naman as usual, salita ng salita. "Jasmine, pagkatapos natin dito, kain tayo sa fastfood huh?" Hinawi ko ang takas kong buhok dahil biglang umihip ang malakas na hangin. "Sige," tipid kong sagot, sunod na binalingan ni Russel si Jacob. "Ikaw Kenneth, gusto mubang sumama?" Parang wala sya sa sarili nung nagsalita. "H-huh?" Russel chuckled. "Sabi ko, gusto mubang sumama sa 'min ni Jasmine na kumain pagkatapos nating magjog

