Chapter 33 - Jogging Gabi na nang makarating kami ng Maynila. I insisted na si Jacob ang maghatid sa akin sa bahay, kaya eto, nag taxi nalang ako pauwi. Habang nakasakay ako ng taxi at on the way sa bahay, ayaw mabura ng ngiti ko sa aking labi, panay nga ang tingin sa akin ng driver sa salamin e. Nawiwirduhan na siguro sa akin, nagtataka kung ano ang nginingiti-ngiti ko. Tinutop ko ang aking bibig at pinasadahan ng tingin ang labas. Nasa BGC na ako, malapit na akong umuwi. Habang nakatingin ako sa labas ay automatic na nag flashback sa akin 'yong nangyari kanina. Para sa akin isa iyon sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari ever. Bukod sa katawa-tawa.. Epic fail pa. Napabuntong hininga ako at muling inisip ang mukha ni Jacob.. Kung kailan sinabi ko na sa sarili ko na kalimutan na ki

