Chapter 32 - LBM Kinaumagahan ay bumaba nadin kami sa bundok, at napagkasunduang magpunta muna sa Vigan bago bumalik ng Maynila. Pumayag ang lahat, syempre sino ba naman ang magpapa KJ na umuwi na agad hindi ba? Dalawang araw naman ang break namin kaya kailangan ng sulitin. Batid ko sa lahat ng mga kasama ko ang excitement nang on the way na kami sa Vigan. Nakisakay akong muli sa SUV ni Jacob, dahil nga sa hindi na ako kasya sa mga company car. "Maganda daw sa Vigan," Biglang sabi ni Jacob habang nagmamaneho. Himala, sya 'tong bumasag ng katahimikan ngayon. "Oo, para kang bumalik sa Spanish era pag nakita mo daw doon, madami kasing lumang establishments, at mga bahay lalo na sa Calle Crisologo!" Bakas ang tuwa sa pagkakabulalas ko. "Is it your first time to go there?" Aniya, agad ak

