Chapter 31 - Disappeared Late that night as everybody was inside drinking and eating, kaming dalawa naman ni Hilary ay may sariling mundo dito sa tapat ng tinutuluyan namin. Hindi kami nakipaghalubilo doon sa mga grupo ng iba naming katrabaho dahil paniguradong OP lang kami, lalo na ako. Nandoon pa naman ang aming manager na sobrang hate ako. Nagke-kwentuhan lang kami ng kung ano-ano ni Hilary, basta may pag-usapan lang. "Ano ba 'to. Ba't walang signal," Reklamo nya habang tinataas-taas ang kanyang cellphone. Nagbabaka-sakali yatang makasagap ng signal kahit isang bar lang. "Hello? Nasa bundok kaya tayo," utas ko at dinungaw ko din ang aking phone. Ako nga kanina ko pa gustong tawagan sina lolo, Tiffany at kuya John, kaso 'di ko naman magawa dahil wala ngang signal dito. "Tatawagan k

