SEVENTEEN

1564 Words
NATIGILAN si Sabrina nang makita ang pamilyar na maliit na box sa ilalim ng kama niya. Kasalukuyang naglilinis siya ng silid nang mapansin iyon. Kinuha niya ang naturang box at binuksan iyon. Lahat ng iyon ay naglalaman ng lahat nang binigay ni Kerkie sa kanya noon at ilang sulat na siya mismo ang gumawa. Those letters are her love she felt for Kerkie. Inisa-isa niya basahin ang mga nakalagay sa liham. Kinuha niya ang litrato na magkasama sila at pinagkatitigan iyon. Sobrang saya niya noon, kitang-kita sa kislap ng mga mata niya. Ganoon rin ito?Bakit nga ba umabot sila sa ganoong punto? Masaya sila noon, noong mga panahon na hindi pa nila alam ang koneksyon ng isa't-isa. Namalayan na lang niya na lumuluha siya habang nakatitig sa litrato. Sa loob ng limang taon ay noon lang uli niya naramdaman ang malaking butas sa puso niya. Napagtanto niya na limang taon na rin ang lumipas mula nang makangiti at maging masaya siya ng ganoon. Sinayang niya ang maraming taon na saya na dulot nito sa masaklap na katotohanang stepmother nito ang tunay na ina niya. Na nagawa niya saktan ito sa dahilan din na iyon. "Sabrina..." Puno man ng luha ang mga mata ay nagawa pa rin niya tignan ang taong tumawag sa pangalan niya. Nakita niya sa bungad ng pinto ang kapatid na si Aldrin. "I lost my chance to be happy the moment I find out that Kerkie's stepmom was our mother. I lost my everything when Dad told me why did it happen to our family. And it breaks my heart with the idea I was still hurting him so bad. Naging masama ba ako, kuya?" Lumapit ang kapatid at pumantay sa kanya. "Alam ko, mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon pero huwag mo iisipin na masama ka. May mga bagay talaga tayong ginagawa na hindi na natin pinag-iisipan dahil mas pinaiiral natin ang kung ano ang nararamdaman natin. Ang mahalaga, itatama mo ang maling bagay na 'yon." Kinurot ng kuya niya ang magkabilang pisngi niya. "Tama na 'yan, bunso. Ang panget mo kapag umiiyak." Tinapik niya ang mga kamay nito. "Kuya naman, eh." saway niya. *** NILINGON ni Kerkie ang pinto ng pad niya nang may mag-doorbell doon. Lumapit siya sa pinto at sinilip sa peephole kung may tao sa labas. Wala naman siyang tao na nakita kaya hindi niya binuksan. Bago pa siya makabalik sa salas ay tumunog muli ang doorbell niya. Muli ay sumilip siya pero wala siyang nakita na tao kaya binuksan na niya ang pinto. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya agad ang isang kulay itim na kahon. Yumukod siya at hindi agad dinampot ang kahon. In-angat niya ang takip niyon at sinilip ang laman. Nang masigurado niya na hindi bomba o kung anuman na puwede niya ikapahamak ay kinuha na niya ang kahon. Pulos mga papel lang ang nakita niya na laman niyon. Napansin agad niya ang isang USB flash drive na may nakadikit na maliit na note na may nakalagay na Please, watch me. Binuksan niya ang DVD player at tinignan ang laman niyon. Hindi pa siya nakapaniwala noong una nang makita niya si Sabrina na nakaupo sa dulo ng kama nito sa malaking screen ng TV niya. Tumikhim muna ito bago magsalita. Titig na titig ito, na para bang siya ang kaharap. First of all, hindi ko alam kung ano ang dapat ko sabihin sa laki ng atraso na nagawa ko sayo. Ang totoo niyan, natatakot ako harapan ka pa sa kabila nang mga nagawa ko pero hindi ko din kayang isipin na hindi na kita makikita pa... Alam ko na ginagawa mo ang lahat para makapag-move on sakin, para makalimutan muna ko. Pero ayaw ko makapag-move on ka dahil kung mangyayari 'yon lalo ko mahihirapan para mabawi ka. Kahit ilang beses ako itulak palayo sayo ng mga taong nagmamahal sa'yo ay gagawa at gagawa pa rin ako ng dahilan para makasama ka. Namalayan na lang niya na tumutulo ang mga luha niya. Akala niya ay manhid na siya. Ang buong akala niya ay matigas na ang damdamin niya para sa babaeng ito kahit ilang beses pa sabihin ng isang bahagi ng isip niya kung gaano niya ito kamahal. Inaamin ko na nagpabulag ako sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko man lang naisip iyong sa'yo. I was selfish, coward and immature back then. Sorry sa lahat-lahat. I know I cause you so much pain and trouble before. Pero handa ko gawin ang lahat para mapatawad mo lang ako. Kahit sobrang hirap handa ko pagdaanan kaysa naman hindi kita makasama. Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Malakas din ang kabog ng dibdib niya. Narinig niya ang panginginig ng tinig nito. Malalim na bumuntong-hininga ito bago magsalita muli. Pakiramdam ko nasayang ang limang taon ko sa wala. I lost you and my heart in the process. The moment I chose to hurt you is the time I broke my own heart. It's all my fault, sa loob ng limang taon na 'yon ay hindi ako naging masaya kumpara noong mga panahon na kasama pa kita. I want my heart back. Please accept and love me again. Ikaw lang ang tanging bagay na makapagpapasaya sa akin. Nang matapos na ang naturang video ay sinimulan na niya basahin ang mga papel sa loob ng kahon. These are love letters that Sabrina's wrote for him. *** GUMAAN ang pakiramdam ni Sabrina nang maiwan niya sa harap ng pad ni Kerkie ang kahon na puno ng mga love letters at video na ginawa nila ng kapatid na si Aldrin. Ang kuya niya ang nag-suggest na sa ganoong paraan siya umamin kay kerkie kung hindi niya kaya sa personal. Sa ngayon ay hindi pa niya kaya. Bago siya makasakay sa loob ng elevator ay may nakasalubong siyang babae. "Hindi ba stepbrother mo si Kerkie kaya nga iniwan mo siya noon dahil hindi mo matanggap na ang mommy mo ang stepmom nila. Sinaktan mo siya dahil galit ka sa katotohanang pamilya niya ang dahilan kung bakit wala kayong nakagisnan na ina ng mga kapatid mo." Nagtataka na tinignan niya ito. Sigurado siya na ngayon lang niya nakita ang babaeng ito. Paano nito nalaman ang tungkol sa bagay na iyon? "I and Kerkie were together for years." Hindi siya nakapaghanda sa narinig. Hindi niya alam na may girlfriend ito. Sa bagay, may anak nga pala ito. Imposible na sa loob ng limang taon ay hindi ito nagkaroon ng relasyon sa iba. Alam niya ang bagay na iyon pero hindi niya ikakaila na masakit iyon. May kumirot sa bandang puso niya sa nalaman. "So why do you coming back again to his life?" "Because I love him." Tahasan na sagot niya. "I never stop loving, Kerkie." "I love him too. Don't you think you are unfair to him? After all, babalik ka at sasabihin na mahal mo siya for what? To get back to him? Kailangan ka nagkaroon ulit ng karapatan?" "He loves me..." "Not now." She rolled her eyes. "Natanong mo ba ang sarili mo kung dapat ka pang bumalik. Pagkatapos ng lahat nang sakit na binigay mo sa kanya. How dare you to have the guts coming back again." She sighed. Whoever this girl is, hindi ibig sabihin na sila nito ay wala na siyang karapatan. They have a child together. "Wala akong pakialam kung ano ang mayroon sa inyo ng mga panahon na wala ako. Pero sa tingin ko, wala kang karapatan kuwestiyunin kung karapat-dapat ba ko sa kanya." Natawa ito ng pagak. "Talaga? Do you have an idea how much you hurt him? Sa tingin ko wala, dahil ako ang nakakita ng lahat. Ako ang nasa tabi niya nang mga panahon na binabanggit niya ang pangalan mo habang lasing na lasing. Ako lang naman ang kasama niya noong mga panahon na galit siya sa stepmom niya dahil sa'yo. You destroy the tie between him and his family. Alam mo ba na halos itakwil siya ng Daddy niya dahil naisugod ang mama mo sa ospital dahil sinisi niya ang ina mo kung bakit nawala ka sa kanya? Doon nagsimula ang paglala ng sakit ng mommy mo." Tila siya tinulos sa kinatatayuan. Wala siyang alam sa bagay na iyon. Pakiramdam niya ay sinasampal nito sa kanya ang katotohanan na dahilan kung bakit patuloy na nasasaktan ito at ang tunay na ina niya dahil sa kanya. Ngayon na nga lang uli siya nagkakaroon ng lakas ng loob para ilaban ang nararamdaman. Tapos ano? Malalaman niya ang lahat ng bagay na ito? Naisip tuloy niya nawala na yata siyang ibinigay sa pamilya na iyon ay pulos sama ng loob at sakit. Bago siya lagpasan nito ay nanguuyam na tumingin ito sa kanya. "Ikaw ay parte na lang nang nakaraan niya. At ako, ako ang ngayon. Huwag ka manggulo ng isang relasyon dahil gusto mo lang bumalik sa'yo ang lalaki na sinayang mo." Nang tinalikuran siya ng babae at iniwan mag-isa ay saka lang bumalik sa kanya ang katotohanan na hindi sa kaya si Kerkie. He was belong with someone who's deserve him more. Napabuntong-hininga na lang siya kalakip ang paninikip mg dibdib. Kailan ba siya magbabayad ng kasalanan na ginawa niya kay Kerkie? Ang kapalit ba talaga niyon ay ang hindi na muli magiging sila? Paano ang mga anak nila kung ganoon? She took a deep breath. Siguro nga tama si June, kailangan malaman ni Kerkie ang tungkol sa mga bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD