"WHAT IS THIS?" Nilingon ni Kerkie si Samantha nang dinampot nito ang isang love letter na ginawa ni Sabrina sa kanya. Sam was sort of his fling, well long-time fling.
Hinablot nito ang binabasa niya pati ang box. Napatayo siya dahil sa ginawa nito. Akmang tatapon nito ang mga iyon sa basurahan nang binantaan niya ito.
"Stop, Samantha." Tiim-bagang na sabi niya.
Napamaang ito. "Kerkie! What the hell happening to you? Dahil sa mga ito tatratuhin mo ko ng ganyan." Binitawan nito ang kahon sa basurahan. "This is all a trash."
It makes him angry. Mabilis na hinatak niya ito at kinaladkad sa labas ng unit niya. Nagpupumiglas ito.
"You're hurting me, Kerkie! Dahil sa kanya! Bakit ba eh iniwan ka nga niya kasi hindi ka niya matanggap!" She shouted. Sinubukan nito kumawala sa kanya. Sinampal siya ni Sam kaya nabitawan niya ito.
"I'm always here for you. Handa ko gawin ang lahat para mahalin mo ko. Konting pagpapaawa lang niya nagpapakatanga ka na naman." Galit na sabi nito.
Siguro nga may karapatan ito magalit. He met Samantha five years ago. She helped him to move forward and be okay somehow. On top of that, she was good in bed. Marami ngang lalaki na naghahabol rito pero siya ang pinili nito. Hindi niya alam pero okay naman sila hanggang sa dumating muli si Sabrina sa buhay niya...
"Nawawalan ka na nang oras sa akin dahil sa kanya. Because she come back and here you are again! Foolishy in love with her again. God, are you gone nuts! That b***h hurt you for some selfish reason. Hindi ka na ba nadala?"
"Stop calling her names." matiim na sabi niya.
Nagsimula na ito umiyak. "She will hurt you again, Kerkie. Uulitin niya ang ginawa niya sa'yo kaya huwag mo na gawin sa sarili mo 'yon."
Napabuntong-hininga siya. He already gamble his heart again. He wanted to give it a try. Isa na lang. Kasi aminin man niya o hindi, alam niyang mahal pa rin niya ito.
"Sorry, Sam..."
Mabilis na lumapit ito sa kanya at sinampal muli siya. "Kaya ba siya pumunta dito dahil ayos na kayo? Kasi pinatawad mo na siya."
Tama nga siya pumunta ito doon kanina.
"I give you everything, Kerkie. Pero dahil andiyan na naman siya itatapon mo ko?!"
May karapatan ito magalit. She was there for him all these times. Pero hindi niya maloloko ang sarili.
Tinulak siya ni Samantha at walang salita na iniwan siya. Bumalik siya sa loob ng unit niya at kinuha ang lahat ng sulat na binigay ni Sabrina sa kanya. Oras na para mag-usap sila. Hindi na niya patatagalin iyon.
Mabilis na umalis siya dala ang mga iyon. Alam niya na sa bahay ng mga ito nage-stay kaya doon niya ito pinuntahan. Kalahating-oras lamang ang lumipas nasa tapat na siya ng bahay ng mga ito. Mabilis na bumaba siya at nag-doorbell. Pinagbuksan naman siya ng kuya ni Sab na si Aldrin.
"Kerkie, bakit ka nandito?"
"Nandiyan ba ang kapatid mo? Gusto ko siya makausap." walang paligoy-ligoy na sabi niya.
Tumingin muna ito sa relos nito. "Gabi na. Hindi ba bukas na lang?"
Akmang sasarado nito ang pinto nang pigilan niya iyon. "Please, Aldrin kailangan ko makausap ang kapatid mo."
Napabuntong-hininga ito. "Wala siya dito."
"Maghihintay ako." Determinado niyang sabi.
Muli ay bumuntong-hininga ito at pinapasok na siya. Sa labas na lang siya naghintay para pagpasok nito ay makita siya agad. Umupo na lang siya sa upuan roon at naghintay. Maga-alas nyebe na ng gabi.
Ang dami-rami na niyang iniisip kung ano ang mga sasabihin niya. Hindi niya alam kung uunahin ba niyang sabihin na mahal niya ito. Na gusto niyang bumalik ito sa buhay niya. Napatigil si Kerkie nang makarinig ng iyak ng bata. Mabilis na pinuntahan niya ang pinanggagalingan ng boses na iyon. Tumigil siya sa salas ng mga ito. Nakaupo na ang bata at humihikbi. Mabilis na nilapitan niya ito.
"Hey, little one." Kinuha niya ang kamay nito at tinayo. "Why are you crying?"
"I want my mom." Iyak nito. Kinusot nito ang mga mata. "My mommy..."
Pinagkatitigan ni kerkie ang batang lalaki. Tila nakita na niya ang batang ito.
"What's your name, little boy?"
"My mommy said don't talk to strangers." sagot nito bago pumalahaw muli. Lumabas mula sa kung saan si Aldrin. Tila nagulat ito nang makita na kasama niya ang bata. Mabilis na kinuha nito ang bata at pinatahan.
"Anak mo?" He asked, he stared at the boy.
Ngumiti lang ito.
"Mommy! Mommy!" Mabilis na kumawala ang bata sa pagkakahawak nito. Nilingon naman niya ang tinawag na mommy ng bata. Kulang ang salitang nagulat siya dahil tila nanigas siya nang sumugod ang bata kay Sabrina.
Tila nawalan ng kulay ang mukha nito nang makita siya. Hindi siya tanga. Kaya pamilyar ang bata sa kanya dahil kamukha niya ito ng bata. Nang mga oras na iyon, may isa siyang naramdaman na emosyon. Matinding emosyon na hindi niya alam kung mapapalagpas niya.
***
LALONG tumitindi ang kaba ni Sabrina dahil nakamasid lang si Kerkie sa kanila. Pinatutulog niya si Nathan na nagising kanina. Ganito talaga ang anak niya kapag wala siya sa tabi nito. Iba ito sa kapatid na babaeng si Nalena. She can sleep on her own unlike Nathan. Nang masigurado niya na tulog na ang bata ay bumangon siya at hinalikan ito sa noo. Inayos niya ang kumot ng baby girl niya bago halikan din ito sa noo.
Bumalik ang tingin niya kay Kerkie. Marahan na lumabas siya ng silid ng mga bata. Hinarap niya ito. The look on his face earlier says he knows it all. Mas lalong dumagdag ang kaba niya. Wala siyang makita na emosyon sa mga mata nito.
"Kerkie..."
"We need to talk now." Mariin ang bawat bigkas niya sa mga salitang iyon. Tila ayaw nga lumabas ng mga salita na iyon sa bibig nito. Sa galit ay hindi niya alam.
"Their names?" Nang makalayo na sila ay iyon ang unang sinabi nito. Nakatalikod ito sa kanya.
"Nathaniel Rouvin and Nalena Josephine." sagot niya.
"I want to know everything about them." Mahinahon na sabi nito.
Nakaramdam siya ng guilt. It was all her fault. Hindi kilala ni Kerkie ang mga anak nito.
"Nalena likes dolls, yong brats doll. She wants to design clothes. Si Nathan naman he wants to be a doctor." Maikling kuwento niya. "Nalena likes the color blue and violet while Nathan likes green. Nalena likes pasta, I remembered when she ate Jollibee spaghetti it becomes her favorite. Si Nathan naman he wanted the burger in Burger king."
She keep on saying all about the twins. Sinigurado niya na wala siyang malilimutan.
"Hinahanap ba nila ko?" All of the sudden, he asked.
"Yes. Many times."
Kapag ganoon sinasabi na lang niyang babalik din ito.
"Is this how you want to punish me?"
Marahan na lumingon ito sa kanya. Wala pa rin siyang nakikita sa mukha nitong emosyon. It scares her more.
"Kerk..."
"Hanggang kailan mo ba ko parurusahan, Sabrina? Hanggang kailan?" Tumaas-baba ang dibdib na humarap ito sa kanya. Tila doon lang ito nakabuwelo. Unti-unting gumuhit ang galit at sakit sa mukha nito.
Umiling siya. Hindi naiintindihan ni Kerkie. "Mali ka--"
"They are mine! How dare you hide them from me! How dare you." He hissed.
Naiyak na si Sabrina. Kasalanan niya kung bakit galit ito. Tinago niya ang mga bata pero sasabihin naman niya. Natakot lang siya.
"Sasabihin ko naman, Kerk, kaya lang kasi---"
"Putang-ina, Sab. Ilang beses ka nagkaroon nang pagkakataon para ipaalam sila sa'kin. Sa dami ng beses na nagkita tayo dapat kinausap mo na kong may anak tayo.
Pero ano? Gusto mo sila itago para ano? Makaganti ka? Gusto mo maramdaman ko ang naramdaman mong pinagkaitan? Lintik naman, Sab. Hindi pa ba 'to tapos?!" Hindi na napigilan nito at lumakas na ng bahagya ang boses nito.
Natatakot man pilit niya pinatatag ang loob. Kailangan nila pag-usapan ito.
"Kerkie please, makinig ka sa akin. Hindi ko sila tinago sa'yo o itatago sa'yo. Hindi ko gagawin 'yon. Hindi kita sasaktan ulit."
"Eh ano 'to? Hindi mo ba ko sinasaktan?" Hinawakan siya ni Kerkie sa braso. Napadaing siya ng humigpit ang kapit nito "Five years, Sab. Pinagkait mo ang limang taon sa'kin. Sa tingin mo mapapatawad kita dahil sa ginawa mo?"
Tila punyal ang mga salita na iyon ni Kerkie sa kanya. Lahat nga ito ay kasalanan niya. Kung sinabi lang niya ng maaga ang tungkol sa mga bata hindi aabot sa ganito. Masakit ang braso niya sa pagkakahawak nito pero mas masakit ang nasa dibdib niya.
Napaupo si Kerkie nang inundayan ito ng suntok ng kapatid niya.
"Kuya!" Pigil niya sa kuya Alden niya. Hinawakan niya ito nang aakma itong susugod kay Kerkie. "Kuya, wag please."
"Umalis ka na dito Hernandez bago ko pa pasabugin 'yang labi mo." Banta ng kapatid niya.
She cried. Ayaw niya ng ganitong gulo. Mabilis na nilapitan niya ito pero umiwas ito sa kanya. Siya na rin ang gumawa ng distansiya sa kanila.
"Kerkie, please umalis ka muna. I'll talk to you tomorrow please."
Pinunasan nito ang dugo sa gilid ng labi. Tumitig ito sa kanya. Bumigat ang loob niya lalo nang makita ang alab sa mga mata nito. "We don't need to talk anymore. Kukunin ko ang mga bata."
Mas lumala ang gumapang na kilabot sa buong sistema niya. Hindi puwede gawin ni Kerkie iyon.
"Kerkie, no! You can't do that."
He smirked. "Watch me."
Walang-lingon na iniwan sila ni Kerkie. Niyakap siya ng mga kuya niya. Galit na galit si Kerkie sa kanya at alam niyang mas matindi ang ngayon. Ni hindi nga niya sigurado kung mapapatawad siya ng lalaki dahil sa nalaman. He hate her but this time she felt it through her bone. He loathed her. He was fuming mad. Rage. Madness. Anger. It was written all over his face.
Nagkanda leche-leche ang lahat.