"SAB..." That was the first time he called her name again after many years. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Nagpakita na lang ito bigla sa kanya pagkatapos ng maraming taon. Para ano, makipag-reconcile sa mama nito. He felt a pang of disappointment. Akala niya, siya ang sadya nito.
"Kerkie..." Her eyes were red and her lips are swollen. Nakaramdam siya nang kaunting kurot sa puso nang makita ang anyo nito. To his suprise, she run to him and hugged him tight. Tila natunaw lahat nang sama ng loob niya sa babaeng ito.
"Kerk, hindi ko alam ang gagawin ko. Please help me." nanginginig ang boses na sabi nito.
Saglit na umalis siya kanina para kausapin ang doktor ng Mama niya. Naiwan ang ama at ito kaya hindi niya alam kung nag-usap ang dalawa. He hoped that his Dad never tell her anything. Ayaw niya malaman nito ang mga hindi maganda na nangyari sa kanya at pamilya noon. It will added up to her misery.
Hinaplos niya ang likod nito. "Everything gonna be alright, Sab. Stop crying."
Kakaalis lang ng Daddy niya. Nasalubong na lang niya ang ama sa hallway at uuwe diumano ito para kumuha ng mga gamit. Iniwan muna sila ng ama para magkausap na rin sila ni Sabrina. Aminin man niya o hindi, kailangan niya makausap si Sabrina para maiayos ang lahat. Their past will still haunting them. Hindi naman niya ito makausap dahil iyak pa rin ito ng iyak.
Sumiksik ito sa kanya. Hindi niya ikakaila na may hapdi sa kanyang makita itong ganito. She was crying and looked so down.
Napalunok siya dahil ramdam niya ang lambot ng katawan nito sa kanya. Napansin niyang malaki ang pinagbago ng katawan nito. Mas lalo itong gumanda sa pagdating nang panahon.
Fuck it, Kerkie. She was crying and you're thinking of something else.
"Sshh now..." he whispered on her ears. Hinaplos niya ng paulit-ulit ang buhok nito.
Nagtaas ito nang tingin sa kanya. Bahagyang sumilip mula sa V-neck blouse nito ang puno ng dibdib. Damn me! How does her breast are looked fuller now?
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin.
"I'm sorry..." Medyo lumayo na ito sa kanya. "N-Nabasa ko pa iyong damit mo." Paos ng sabi nito.
"It's nothing, don't worry."
Kinuha niya ang panyo sa bulsa at binigay kay Sabrina. Matagal na tinignan nito ang panyo sa kamay niya bago kinuha.
"Thank you, Kerkie." Pinahid nito ang mga luha gamit ang panyo niya.
Nang bumalik na ang ama ay nagpaalam na si Sabrina sa ina. Kalmado na ito hindi tulad kanina. Pati siya ay nagpaalam sa stepmom niya na ihahatid ito.
Hinalikan niya ang ina sa pisngi bago umalis. Una nang lumabas si Sabrina sa kanya.
"We are going na, Ma." Paalam niya.
Hinawakan nito ang kamay niya. "Please, take care of her, anak. "
Hinalikan niya ang kamay nito. "I will , Ma."
Paglabas niya ay naabutan niya si Sabrina na nakaupo sa waiting area at tila malalim ang iniisip. "Sab, ihahatid na kita."
Tumingin ito sa kanya. Sabrina merely stares lost him again.
I'm doomed again.
***
"GISING na," Naalimpungatan si Sab nang maramdaman ang mabining tapik na iyon sa pisngi niya. Nagmulat siya ng mga mata. Unang nabungaran niya ang sobrang lapit na mukha ni Kerk sa kanya. And then again, she felt the abnormal beat of her heart.
Nakaidlip ulit siya. Sa pagod o pag-iyak ay hindi niya alam. Sinilip niya ang itsura sa salamin. Ayaw niya makita siya ng kahit sino sa pamilya na mukhang miserable. Mag-aalala lang ang mga ito sa kanya. Uuwe siya kapag humupa na ang pamumula ng mga mata niya.
Bumaba lang ito ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Nasa harap sila ng bahay nila. Nakapagpalit na rin ito ng damit na nabasa niya ng huli.
"Kerk, ayoko muna umuwe." sabi niya pagbukas nito ng pinto.
Matagal na tumingin ito sa kanya.
"Saan kita dadalhin?" Ani Kerkie nang mapansin na wala siyang balak bumaba. Hindi naman siya nag-aalala sa mga bata dahil binabantayan ito ni Manang.
"Kahit saan, yong malayo sa lahat ng ito." tipid na ngumiti siya. "Gusto din kita makausap, Kerk. May importante akong sasabihin sa'yo."
Napabuntong-hininga na lang siya nang sinarado na nito ang pinto. Hinayaan na lang niya kung saan sila pupunta. Nang huminto sila sa tantiya niya ay bahay nito. Sumunod siya kay Kerkie nang bumaba ito. Kinakabahan siya.
Sumunod siya hanggang sa garden ng bahay. Saglit na iniwan siya ni Kerkie para kumuha ng meryenda kahit sinabi niyang hindi na kailangan. Ang gusto lang niya ay sabihin ang tungkol sa kambal iyon lang talaga ang sadya niya.
Saglit na tumayo siya para tignan ang mga halaman doon. May iba't-ibang uri kasi ng bulaklak sa hardin ni Kerkie. It must be fruit of his hardwork. Successful na tao na ito ngayon.
"Who are you po?" Nilingon ni Sabrina ang maliit na boses na iyon.
Pumantay siya sa bata. Ang ganda-ganda nitong bata. Kung hindi siya nagkakamali ay kasing-edad lang ito ng mga anak niya. "Hello, ano'ng pangalan mo?"
"Kerra po, " mabait na sagot nito.
"Ako naman si Sabrina. You can call me Tita Sab," Pakilala niya.
Inosente na tumitig ito sa kanya. "Umiyak ka po Tita?"
Umiling siya at binigay ang pinakamatamis na ngiti. "Napuwing lang ako, Kerra."
"Bisita ka po ba ni Daddy Nash?"
She stiffed. Bigla ay may bumikig sa lalamuman niya. May anak na si Kerkie? Kanino? Kailan? Is he already married? Pero kung oo ay malalaman naman niya iyon dahil sasabihin sa kanya ni June. Ang ibig bang sabihin...
"Kerra, " ani Kerkie nasa bungad ito ng garden.
"Daddy!" matinis na tawag nito sa lalaki. Mabilis na tumakbo ito para yakapin ang binti ni Kerk. Kinagat ni Sabrina ang ibabang labi. She wanna cried again but this time with so much pain and agony. Hindi na niya maibabalik ang mga bagay na ginawa niya. Kahit magsisi pa siya ng husto. May pamilya na si Kerkie, hindi na siya magiging parte ng buhay pa nito kahit kailan. Hindi niya maisip na wala na siyang babalikan.
"How's my princess? Sumunod ka ba kay Tita Abby ng wala ako?"May kumirot sa puso niya nang makita ang fondness nito sa kanya.
It should be their children. It should be Nalena or Nathan...
Sunod-sunod na tumango ito. "Opo, binigyan ako ni teacher ng star kasi very good ako today."
Pinigilan ni Sabrina ang umiyak. Ayaw na niya umiyak lalo sa harapan nito at ng anak nito. The kid will never understand why she was crying. Lumapit siya sa mga ito kahit sobrang bigat ng dibdib niya. Hindi niya alam kung may mas isasakit pa iyong nararamdaman niya nang mga oras na iyon.
Nilapag nito ang tray at tumingin sa kanya. Yumuko ito para pantayan ang bata. "I would like you to meet Tita Sabrina. She's a friend of mine. Mommy din niya ang lola mo."
Nanlaki ang mga mata nito. "Talaga po? "
Tumango ito at hinaplos ang mahabang buhok nito. Umiwas siya nang tingin. Hindi niya kayang tanggapin na wala na si Kerkie sa kanila. He looked good and happy. Wala siyang karapatan saktan ulit ito. Siguro iyon ang kabayaran niya sa lahat ng mga ginawa. She hurted him. Wala naman dapat sisihin kundi siya. Kasalanan niya.
Lumapit siya sa mga ito nang kinandong ni Kerk ang bata at sinubuan ng crinkles na tinapay. Tinitigan niya ang mga ito. Kung saan hindi niya ginawa ang mga ginawa, ang anak sana nila ang inaasikaso nito.
"Masaya ko na masaya ka, Kerk. 'Yon lang naman ang hinihiling ko all these years." nakangiting sabi niya.
Galing iyon sa puso niya. Walang kahit anong pagpapanggap. Hinding-hindi na siya gagawa ng bagay na ikakasakit ng loob nito.
"Ano'ng sasabihin mo pala, Sabrina."
Tumingin siya sa batang masaya na kumakain. Alam na niya kung ano ang gagawin.
---
"KERKIE, thank you." Pagpapasalamat ni Sab nang inihatid siya ng lalaki sa kanila. Nagkausap na silang dalawa at sa tingin niya ay okay na sila.
"Thank you para sa pagbibigay ng chance kay Tita." tipid na sabi nito.
Tumango siya at ngumiti. "Ang laki ng pagkukulang ko, babawi ako ngayon."
Buo na ang desisyon niyang hindi sabihin ang tungkol sa mga bata. Magugulo na naman ang buhay nito kapag sumulpot sila. Masaya na ito ngayon kaya makokontento na siya doon.
"Ingat ka sa biyahe mo." sabi niya bago bumaba.
Mas mainam na lumayo siya kay Kerkie hanggang maaari. Sa ina na lang siya magpo-focus at sa mga anak. Hindi niya hahayaan na masaktan ang mga anak sa oras na malaman ng mga ito na hindi na puwede bumalik si Kerkie.
"Masaya ka din ba?" tanong nito bago siya tuluyang bumaba.
Hindi niya nilingon ito. Ayaw niya makita nito ang mga luha niya. Suko na siya, sobrang sikip na ng dibdib niya sa pagpipigil ng mga luha.
"Does it matter to you?" Nanginig na ang boses niya.
"Sab... "
"I prayed for your happiness. I want you to be happy and seeing you smiled to your child like that... Masaya ko kasi okay ka na. " Bago siya tuluyang makababa ay hinapit siya nito. Nagulat siya sa sunod na nangyari. Hinalikan siya ni Kerkie sa labi. Mainit, mapusok at mapaghanap. Saglit na nagpaubaya si Sabrina pero nang bumalik sa huwisyo ay marahan na tinulak niya ito.
She loves him but she was not hers anymore...
"Tama na Kerkie. Mas okay na ganito na lang tayo."
Mabilis na bumaba siya at pumasok sa kanila. Hindi nagtagal ay narinig na niyang pina-andar nito ang sasakyan nito. Sumilip siya. Pinagmasdan na lang niya ang papalayo na sasakyan nito. Hanggang sa tuluyan na niyang hindi maaninag ang sasakyan. Humugot siya nang malalim na hininga. Pagod na siya umiyak. Gusto na niya matapos ang lahat sa araw na iyon. Akmang papasok na siya sa loob nang makita ang kapatid na si Aldrin.
"Is that Kerkie? Hinatid ka niya?"
Tumango siya.
"Kumusta ang trato niya sa'yo?" tanong nito.
Malungkot na ngumiti siya. "Ayos naman. He's okay and I'm happy he's okay."
Naglakad na siya papasok sa loob nang matigilan siya sa tinanong ng kapatid.
"Are you over him?"
Kapantay niya ang kapatid. Tinignan niya ito. Napalunok siya sa narinig. Whether she admit it to him or not, she knew, she was not over him. Not now and never. How can she? May anak silang dalawa. Tuwing tumitingin siya sa kambal ay alam niya na hindi kahit kailanman. Wala siyang minahal o ginusto na iba bukod kay Nash Kerkie Hernandez.
"Do you think I stop?" naiiyak na tanong niya.
"Bunso...
"But I'll settle myself for what we have right now. Okay na ko do'n. As long as he's happy I am okay."
Nang lumapit ang kapatid at niyakap siya ay napaiyak na siya ng tuluyan. Pagod na siya umiyak pero sobrang sakit pa din.
***
NAPATUNAYAN ni Kerkie na hindi nawala ang epekto ni Sab sa kanya. Kauuwe lang niya galing sa paghatid rito. Simula nang mawala ito ay isinubsob niya ang sarili sa pag-aaral at trabaho. Sa ganoong paraan ay nagagawa niya kalimutan ito kahit panandalian lamang. Natutunan na rin niyang huwag magpakita ng kahit anong emosyon sa iba.
Nang dumako ang tingin niya sa isang five foot canvas painting na natatakpan ng isang malaking puting tela. Tinanggal niya iyon at pinasadan ng daliri ang malaking larawan. Hanggang ngayon kasi ay kabisa pa rin ng kanyang isipan ang magandang mukha nito. Simula sa bilugan na mata nitong pinaresan ng mahaba at itim na pilikmata. Maliit pero matangos ang ilong nito. Ang mapula-pulang pisngi nito na animo nagba-blush on tuwing nginingitian siya; lalo na ang mga labi nitong kay tamis kung ngumiti. Mas nagpaganda pa rito ang mahabang buhok nito. Wala itong ipinagbago. Mas lalo lang itong gumanda sa paningin niya. Sa haba ng panahon na iyon ay ngayon lang uli niya nagawang pagmasdan ang larawan na ginawa. Iyon ang una't-huli na ginawa niyang painting. Ni hindi nga niya akalain na magagawan niya ng painting ang babae. Hanggang ngayon ito pa rin ang babaeng nais ng puso niya.
He tried to forget her but until now he failed. Sinubukan niya maging matatag pero kapag nasa paligid niya ito ay nasisira ang depensa niya. Mahirap para sa kanya ipakita na ayos siya kahit ang totoo niyan ay hindi naman talaga. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatayo at nakatunghay sa painting. At ngayon, hahayaan ba niya ito muli sa buhay niya? One heart break is enough to make him miserable.
Tanga pa din siya.
"Hindi ka na nadala, Nash Kerkie. Hindi talaga." He mumbled.