FOURTEEN

2010 Words
KABADO si Sabrina habang naghihintay sa lobby ng kompanya kung saan nagta-trabaho ang isang tao na matagal rin niya hindi nakita. Tila ilang segundo tumigil ang t***k ng puso ni Sabrina nang makita ang lalaking kakalabas lang ng elevator. Hindi na niya alintana kung gaano na siya katagal naghihintay doon. Lumipas man ang limang taon, hindi siya puwede magkamali kung sino ang lalaking iyon. Naging mas matured at masculine ang aura nito. Lalo yatang kinabahan si Sabrina lalo nang magkatinginan sila sa mga mata. The moment their eyes locked, everything around them move slowly. Naglakad na ito palapit sa kanya hanggang huminto ito sa harap niya. "Sab?" Parang gusto niya maiyak. His voice made her heart skip. Sobrang tagal na hindi niya narinig ang boses nito. "Kerk..." Pero isa lang ang sigurado siya ng mga oras na iyon. Tama ang kaibigan sa sinabi nito na kailangan niya humingi ng tawad kay Kerkie. Sinadya niya ang saktan ito. Hindi ba dapat ay humingi siya ng tawad sa ginawa? May dalawang tao na nagkokonekta sa kanilang dalawa. Hindi rin naman niya maiiwasan si Kerkie habangbuhay. "Are you free today? Can we talk?" Tumingin ito sa relos nito. "I have a meeting twenty minutes from now." "Kahit saglit lang?" Mapag-asam na tanong niya. Nawalan ng emosyon ang mukha nito. Inaasahan na niya ang bagay na iyon, parang tulad lang noon. Ang hindi lang niya inaasahan ay ang kasabay na sakit na iyong nadama niya sa puso. "For what? Gaano ba kaimportante ang sasabihin mo?" Humugot muna siya ng malalim na hininga. Ang alam niya ay kaibigan ni Marlon--- na asawa ni June ang kapatid nito. Ang kaibigan mismo ang gumawa ng paraan para malaman niya kung nasaan nagtatrabaho si Kerkie. Para diumano sakaling gusto na niya humingi ng tawad at makipag-reconcile sa ina ay alam niya kung saan hahanapin ang binata. "I'm a busy person, Sab. Kung wala ka namang mahalaga na sasabihin sa akin ay aalis na ko." Malamig na sabi nito. "Ten minutes, that's all I need, please." Bago pa ito makalagpas ay nahawakan na niya ito sa kamay. Magiging impokrita siya kung sasabihin niya na wala siyang naramdaman sa simpleng pagkakalapit nila na iyon. Nag-angat siya nang tingin at tinignan ito. Saglit na nagkaemosyon ang mga mata nito at dagli ring nawala. Kasabay ng pag-alis ng kamay nito sa pagkakahawak niya. "What do you really need?" Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Bago ito tuluyang iwan siya ay sasabihin na niya ang lahat. After all, he deserve to know the truth from her. "I'm sorry. Gumawa ako ng bagay na nakasakit sa'yo. Si Ceejay, kinasabwat ko lang siya noon para layuan mo ko. Para tuluyan ka nang mawala sa buhay mo. Siguro mahirap na ako patawarin. Pero sana, kahit hindi man ngayon ay mapatawad mo ko sa nagawa ko. Because I'm sincerely asking for your forgiveness. Hindi naman natin magagawa talikuran ang isa't-isa dahil may mga taong nagkokonekta sa atin." "You forgive her?" Tumango siya sa halos pabulong na tanong nito. "Yes, I forgive her long time ago..." Binasa niya ang ibabang labi at humugot nang malalim na hininga. "Naisip ko kasi na hindi naman natin ginusto ang nangyari noon." "You did it, Sabrina. You chose to hurt me and your mom." Napalunok siya. "Sorry...sorry, kung masyado akong immature noon kaya hindi ko man lang naisip ang mararamdaman mo. Kung bakit sinaktan kita ng ganoon. Hiyang-hiya ko Kerk sa'yo. Lalo sa m-mommy ko." Nag-iwas siya nang tingin sa bigat ng pagkakatitig nito. "You lied to get rid of me." Nakagat niya ang ibabang labi. "I'm sorry..." mababa ang boses na sabi niya. Hindi niya alam kung paano ija-justify ang mga ginawa noon. Maling-mali siya. "Ni hindi naman ako nagalit sa'yo. Ni minsan ay hindi ko naramdaman 'yon para sa'yo. But you wounded me, Sab. You made me believe you loved me." Halos pabulong na sabi nito. Because I did... "Kerk, you need to know everything. Hindi lang naman---" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla ay dinukot nito ang cellphone sa bulsa. Sinagot nito ang tawag habang nakatingin sa kanya. "I'll be there after twenty minutes." Binaba nito ang tawag at tinignan siya. "Let's go. Mama rushed to the hospital." Nakaramdam ng kaba si Sabrina sa narinig. "What happen to her?" Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Grabe ang naging kaba ng puso niya. He sighed and looked at her. "She has an heart attack again. Sana hindi malala this time." Bigla ay naiyak siya. Ang tagal nang panahon na sinayang niya-- nila ng mga kapatid. Hindi pa siya nakakabawi sa mga panahon na hindi sila magkasama. "Sab, it is okay. Everything will be okay." May halong pag-aalala na tanong ni Kerk dahil hindi na siya matigil sa pag-iyak. Umiling siya. How can she be okay? Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. Pakiramdam niya kahit papaano ay napawi ang sakit na bumugso sa puso nya. Naluluhang tinignan niya ito. "She will gonna be okay, 'di ba?" her voice trembled. Pinahid nito ang mga luha niya at ngumiti sa kanya. "Siyempre naman. Your mom needs you." Hindi pa rin mahinto si Sab sa pag-iyak kahit papunta na sila sa hospital kung saan sinugod ang mommy niya. Pero hindi na kasing-bigat nang una ang pakiramdam niya. Hindi niya mapigilan ang umiyak dahil sa pag-aalala. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may mangyare dito. Marami pa siyang kailangan sabihin rito. Kailangan pa niya bumawi rito at kay Kerkie. Gagawin niya ang lahat para bumawi sa mga ito. ** "WE ARE here." Malamyos na sabi ni Kerkie nang huminto sila. She sighed. Parang nanghihina ang mga tuhod niya. Paano niya haharapin ang ina pagkatapos nang lahat? "Sabrina..." Her tears fell. "Kerk..." Nag-iwas ito ng tingin. Wala ba itong pakialam sa kanya? She tried to reach him when he was about to take his back on her. Kailangan niya ng lakas ngayon. Kerkie will give that strength right now. Natigilan ito lalo nang nilapit niya ang sarili sa lalaki. She misses the familiar scent of him. She missed his warmth and everything about him. "She will be alright." He whispered. Napapikit siya sa lambing ng tinig nito. He adores and love her with all his life. Ang tanga-tanga niya para saktan ito. Hinagod nito ang likod niya. "Let's go, Sab." Aya nito sa kanya. "Sorry..." She knows it will never be enough. Pero iyon lang ang tanging masasabi niya. Sorry for all the mess and pain she caused. "I know that I caused you so much pain. Wala kang ginawa kundi mahalin lang ako. Ako lang at walang iba noon, thank you for loving me and letting me feel how special I was. Sorry sa lahat nang ginawa ko. Sa lahat ng sakit na naibigay ko sa'yo. Hindi ko alam kung kaya mo pa kong patawarin pero sana..." Bumikig ang lalamunan niya. "K-kasi kailangan ko 'yon. I know it is all my fault and I'll always keep on asking for your forgiveness." Bumuntong-hininga ito. "It's not all about me, Sab. Kung gusto mo bumawi sa'kin, accept your mother." Bumaba na ito ng sasakyan. She composed herself saka sumunod siya kay Kerkie. Kinakabahan siya. Siguro kasi ngayon lang uli niya makikita ang Mommy niya. Nang huminto sila sa tapat ng isang silid. Unti-unting binuksan nito ang seradura hanggang tumambad sa kanya ang pigura ng isang may edad na babae sa kama. Napalunok siya nang makita kung sino ang nasa kama. She looked pale. Ang stepmon nito na tunay niyang ina. May kung ano na bumara sa lalamunan niya nang bumaling ang tingin nito sa kanila. Nakita na lang niya ang pagpatak ng luha sa mga mata nito. Hindi na rin niya napigilan ang sarili. "Hi..." una niyang nasabi ng mahanap ang tinig. "Sabrina..." Lumingon ang Daddy ni Kerkie sa direksyon nila. Napakapit siya sa gilid ng slack pants niya. Hindi niya alam kung saan kukuha ng lakas. Napalingon siya kay Kerkie nang maramdaman ang kamay nito sa braso niya. "It's okay. You can, Sabrina." She gulped. Bumalik ang tingin niya sa ina. "Can I call you Mom?" Nagkaroon ng ngiti ang mga labi nito. "O-Oo naman. I'll always be your mom." "M-mommy..." she spoke. Umabot hanggang sa mga mata nito ang ngiti kahit kasing putla ito ng suka. Nilingon niya si Kerkie at tumango ito sa kanya. Lumapit siya sa puwesto ng ina. Natatakot siya na kung hahawakan niya ito ay masasaktan niya. "Sab...Anak." Mahina pero rinig niya iyon. Tumikhim siya para maalis ang bara sa lalamunan. Pero hindi pa rin niya napigilan ang panginginig ang tinig. "I'm sorry po... I'm sorry for everything po." Nagkatinginan ang mag-ama kapagkuwan ay sabay na lumabas ang mga ito ng silid. Naiwan silang dalawa ni Josephine. Humikbi ito. Naiyak na rin siya. She lost so many years with her. Ina na rin siya at alam niya kung gaano kahirap mahiwalay sa mga anak. "Hindi mo kailangan humingi ng tawad, anak. Wala kang kasalanan." Umiling siya. Marami siyang mali at hindi niya alam kung maitatama niya. Hinaplos nito ang buhok niya. "Maniwala ka man o hindi, mahal ko kayo. Lalo ka na Sabrina dahil ikaw lang ang nag-iisang prinsesa ko." Umiling ulit siya at mabilis na hinawakan ang mga kamay nito. Dinala niya iyon sa pisngi niya. Hindi na niya napigilan ang sarili. Humagulgol siya. Masakit. Parang may kumirot sa puso niya. She's longing for her warmth. "Alam ko na nasaktan kita ng husto, anak. Pero mapapatawad mo pa ba ako?" Tumango siya nang maraming beses. Hindi nito kailangan humingi ng tawad. "Babawi ako, Mom. Kaya please get before soon." Ngumiti siya sa babaeng nagbigay ng buhay sa kanya. Pinahid niya ang luha sa mga mata nito. "I'm sorry too, Mom. Sa lahat-lahat ng dapat ay hindi ko naramdaman para sa inyo. I'm so selfish. Hindi ko man lang inisip 'yong nararamdaman n'yo. I hated you all my life kasi akala ko hindi ninyo kami mahal. But I was wrong, and I'm so wrong all these times..." "Puwede ba kita mayakap?" Tumango siya at yumakap sa ina. Ang tagal na rin, hindi na nga niya tanda ang pakiramdam na yakap nito. Mahigpit na niyakap siya ng ina at dinama ang init nito. Tila binura ng yakap nito ang lahat-lahat ng sama ng loob niya. "Maraming salamat, anak. Mahal na mahal kita." Hinayaan niya ang mga luha sa pagpatak. Kahit pigilan niya ang umiyak ay mahirap gawin. Hirap tikisin ng magulang. Siguro nga nabulagan siya ng una pero hindi na ngayon. Babawi siya sa ina. Wala na siyang sasayangin na oras. "Get well soon, okay. Pagbalik ko nandito na sila kuya." She promised. She felt so overwhelm. Hindi niya kayang sabihin kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pero hindi niya ikakaila na gumaan ang loob niya. "Pero--" "They never hate you lalo na si kuya Aldrin. Mom, you give up the family because Dad doing horrible things. Kahit sino... Hindi matitiis 'yon." "Alam mo?" Tila nagulat ito. Tumango siya at pinakalma ang ina. Hindi maganda ang kondisyon nito kaya dapat ay maging mahinahon ito. "Everything, Mom. So please you need to recover. Kailangan ka namin. I'll make it up to you. I'll do everything para makabawi." Niyakap niya ito nang mahigpit. "I love you, Mom. I missed you so much." "Oh, Sabrina. I misses you so much too, anak... Hindi mo alam kung gaano ko inasam na mayakap ka ng ganito." Siniksik niya ang sarili sa ina. Nang makatulog na ang ina ay lumabas na rin siya. Naabutan niya ang ama ni Kerkie sa waiting area. Umupo siya doon at kinausap ang ama nito. Ayon sa doktor ng ina, palagi na lang nakapahinga ito dahil bawal ang mapagod. Mino-monitor kasi ang t***k ng puso nito. Malubha na ang sakit ng ina sa puso. Hindi normal ang t***k ng puso nito. She's suffering all these years yet no one there for her. Punong-puno ng hinagpis ang puso ni Sabrina. "She will be okay because you are here, hija." Ani ng ama ni Kerkie. Malungkot na ngumiti siya. "Sana po kasi kailangan ko pang bumawi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD