THIRTEEN

1742 Words
"MASAYA ko para sa'yo, June." Ani Sabrina sa kaibigan habang nakamasid sila sa mag-ama nito. Ang buong akala talaga nila ay mawawala ang kaibigan sa kanila. Nang maaksidente ito ay muntikan na itong mawala. Pangalawang buhay na iyon ng kaibigan. Hindi niya maiwasan ang mainggit nang nilingon niya ito. Kitang-kita niya ang saya sa mga mata nito habang nakatingin sa mag-ama nito. Dalawang taon na ito kasal kay Marlon na naging isa sa mga kaibigan nilang lalaki. Despite the fact, na hindi nga talaga nito anak si Jess. Kundi anak ito ni Marlon sa ex-girlfriend nito ay mahal na mahal ni June ang bata. Hindi na kasi puwede magkaanak ang kaibigan dahil sa aksidente nito noon. Yet the overwhelming happiness were visible on her eyes. Isang bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mahanap. Sa paglipas nang limang taon ay marami ang nangyari sa kanila. Pero isa lang ang sigurado, hindi na sila tulad ng dati. Naging malawak at mapag-unawa na sila sa bawat sitwasyon. Hindi na sila tulad noon na may pagka-impulsive at immature. They had successful career too. Sikat na fashion designer na ang kaibigan nilang si Ricky at si June naman ay ang General Manager ng kompanya ng pamilya nito. Siya naman ay COO sa isang pharmateutical company sa bansa. She had a better life with her twins. Lumingon ang kaibigan sa kanya at ngumiti. "Ikaw din. Everyone deserves to be happy. It has been five years, Sab. Wala ka pa rin bang balak makipag-usap kay Kerk at sa mommy mo?" Napabuntong-hininga na lang siya. Alam nila na nasaktan ang ama pero maluwag na tinanggap nito ang mga nalaman. Para hindi na dagdagan pa ang sakit na iyon ay pinangako niya sa mga ito na kahit ano ang mangyari ay hindi na lalapit sa binata. May kapatid ang ama na naninirahan na sa New York kaya pinatungo siya ng kapatid doon. Alam naman niya ang dahilan nito. Ang ilayo siya kay Kerkie dahil tulad niya ay hindi nito matanggap ang nalaman. Pero hindi siya umalis tulad ng gusto nito. Hindi lingid sa ama ang ginawa niya kay Kerkie noon. Hindi kumbinsedo ang ama na manakit siya ng iba dahil lang nasaktan siya sa nalaman. Hindi na naman mangyayari na lapitan siya ni Kerkie dahil sinaktan niya ito para kusa ng lumayo sa kanya. Mas nakabuti nga ang paglayo niya. Bumalik na uli sa dati ang lahat mula niyon... pero hindi sa kanya. May mga gabi pa rin na nanaginip siya na kasama ito. Mahal man niya ito pero nasa maling pagkakataon at panahon sila. Hindi siya gagawa ng bagay na ikasasakit ng pamilya niya. Matagal na niya napatawad ang ina. Sa paglipas ng limang taon ay naisip niya na walang may gusto ng nangyari. Lahat sila ay biktima ng mapait na nakaraan. Pinalagay na lang niya na nangyari iyon nang mga panahon na hindi siya handa makita muli ang ina. Simula nang iwan sila nito ay nawalan na sila ng komunikasyon at tuluyang nawalan ng alam kung saan na ito. She was only twenty one years old back then, a carefree selfish person. Wala siyang ininda kundi ang mga saloobin niya. Hindi man lang niya nagawa isipin ang iba. Nagawa pa nga niya mag-rebelde noon but when she find out that she's pregnant. Nagbago ang lahat. "In the right time, June. I'm not yet ready." Kaswal na sabi niya. "Not ready? Hanggang kailan?" Tumingin ito sa kanya. "Siguro nga hindi ka pa handa harapin sila but after all, you owe that to him. Lalo na ang mga anak mo." Nag-iwas na lang siya ng tingin kay June. Alam niya na kailangan niya humingi ng tawad kay Kerkie. Nasaktan niya ang taong walang ginawa noon kundi mahalin lang siya. Pero paano niya sisimulan? Hindi kasi niya alam. ----- "DAD, why do you still love her?" tanong ni Sabrina sa ama nang maabutan niya ito na tinitignan ang lumang litrato nito kasama ang ina. May kung ano na namang humaplos sa puso niya sa nakita. Hindi na iyon tulad noon na may kasamang galit kundi pag-unawa. Lumapit siya sa ama at umupo sa tapat nito. "Bakit nga ba, Dad? Hindi ba iniwan niya tayo para sa ibang pamilya? Bakit ni minsan ay hindi kayo nagalit sa kanya?" Ngumiti ito sa kanya. "Dahil nga mahal ko siya. Did I tell you, loving her is my miracle. Siya ang dahilan kung bakit dumating kayo sa buhay ko." "Yes, Dad. Alam ko ang pakiramdam pero hindi ko hinayaan na talunin niyon ang pinanindigan ko. Mas pinili ko ang tama kaysa hayaan ang sarili ko lunurin ng maling nararamdaman." Lumamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "You still love him, ain't you?" Pilit na ngumiti siya. "It doesn't matter anymore, Dad." Inabot ng ama ang mukha niya at hinaplos iyon. "Sa tingin ko, panahon na para malaman mo ang tunay na dahilan kung bakit nagkahiwalay kami ng mommy mo." Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. "Ano'ng dahilan? Ano ba 'yang pinagsasabi n'yo?" "Your mom fall out in love with me because I cheated on her." panimula nito. Parang bigla ay may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya. Totoo ba itong sinasabi ng Daddy niya? Hindi siya makapaniwala dahil alam niya kung gaano nito kamahal ang ina niya. "You're lying. Imposible na gawin n'yo 'yon dahil nakita ko kung gaano n'yo siya kamahal." hindi makapaniwala na sabi niya sa ama. "I did, niluko ko ang Mommy mo kaya iniwan niya tayo." "I-I don't understand, Dad." mahinang sabi niya. "Noong pinagbubuntis pa lang ng mommy mo ang kuya Alden mo ay nagkaroon kami ng relasyon ng Tita Ashley mo." ani ng ama. Natigilan siya sa narinig. Kilala niya ang Ashley na tinutukoy nito. Iyon ay ang kapatid na bunso ng mommy niya. Mula nang magkaisip siya hanggang sa umabot siya sa edad na labing-apat ay palaging nasa kanila ito. "Paano n'yo nagawa 'yon?" halos pabulong na tanong niya. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Samu't-sari ang mga emosyon na hindi niya agad mabigyan ng pangalan. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman. Ni minsan ay hindi niya naisip na may relasyon ang mga ito bukod sa katotohanan na ang tanging nagkokonekta lamang sa mga ito ay ang ina niya. Bata ang Tita Ashley niya ng higit sampung taon rin sa mga magulang niya. Tatlong taon na ang nakaraan mula nang mag-asawa ito at sa ibang bansa na nakatira ang pamilya nito ngayon. "Natukso ako. Nang magpakita ng interes sa akin ang Tita mo ay bumigay ako. Mas bata at mas maganda ang Tita Ashley mo. I'm sorry, Sab." Nanghihina na napaupo siya sa lapag. "So it's lust over love, right? All these time, ang hindi ko alam, ikaw pala ang puno't-dulo kung bakit nagkaganito ang pamilya natin." "Anak..." Naramdaman niya ang pagtulo ng mga luha sa magkabilang mata. Ang taong buong buhay na inakala niya na ito ay hindi pala talaga. "Hanggang kailan kayo nagkaroon ng relasyon?" "Until your fourteen birthday. Nang mahuli kami ng kuya Aldrin mo ay tinapos ko na ang relasyon ko sa Tita mo." Ngayon ay hindi na siya nagtataka kung bakit iniwan sila ng ina. Napagod ito, hanggang sa ma-fall out in love sa ama na niluluko pala ito. Pero hindi pa doon natapos iyon dahil nagpatuloy pa rin ang relasyon ng mga ito kahit iniwan sila ng ina. Paano pala kung hindi ito nahuli ng kapatid niya? Hanggang kailan ang magiging relasyon ng mga ito? "Alam ba ito ni kuya Alden." Umiling ito. "Hindi pa, pero sasabihin ko rin sa kanya." Ngayon malinaw na ang lahat-lahat sa kanya. Kung bakit minsan ay ramdam niya ang pagkailang ng kuya Aldrin niya sa ama. Kaya pala, palagi na lang nito sinasabi na huwag siya magtanim ng galit sa ina nila dahil hindi nila alam ang tunay na nangyari. Alam na ng kuya Aldrin niya pero mas pinili nito itago iyon. Alam niya kung bakit, iniiwasan nito na mas masaktan siya sa malaman. "This is too much to bear, Dad." "Forgive me, Sab. Sa takot ko na pati kayo ay mawala sa akin ay itinago ko ang lahat sa inyo. Patawarin mo ko. Sana mapatawad n'yo ko ng mga kuya mo." lumuluhang paghingi ng ama ng tawad. Kaya pala kapag sinasabi niya sa ama na galit siya sa ina ay palagi nito pinagtatanggol iyon. Kaya pala palagi nito sinasabi sa kanya kung gaano siya kamahal ng ina kahit nagawa sila iwan noon. Ginagap ng ama ang kamay niya at pinisil iyon. "Kasalanan ko, hindi puwede na habangbuhay na magbayad ang mommy n'yo sa kasalanan na ako ang gumawa." Napaiyak si Sabrina. "Do you know all the pain I endured all this time, Dad? May ideya ba kayo kung ano ang mga nawala sa akin nitong mga nakaraan na taon?" nangangatal na tanong niya. What she know is unbearable. Sa sobrang sakit ay sumisikip ang dibdib niya. "Sab, I'm sorry..." "M-my twins, they lost their Dad..." Humagulgol ang ama. "I lost my everything because I think about you. Ang mararamdaman mo. Ikaw mismo inisip ko. How can I love someone who take my mother away from us. Tapos ganito... Ito pala ang puno't-dulo." Hahawakan siya nang ama ng umiwas siya. "Please, Sab." "Mommy?" Agad na nagpahid ng luha si Sabrina nang marinig ang maliit na boses na iyon. "Lolo, ba't naiyak ka?" Tumayo siya at nilingon ang mga ito. Nakatitig ang dalawa sa kanila. Nasa mukha ni Nathan ang pagtataka habang nagkukusot pa ng mata si Nalena. Nagmamadali na dinampot niya ang bunso at hinawakan sa kamay si Nathan. "Mommy, si lolo--" "Later, okay. Maghahanda muna ko nang makakain n'yo." "Pero si lolo--" "Okay lang siya, Nathaniel. Please just leave your lolo alone for a while." "Mom, ba't ka umiyak? May nang-away ba sayo?" Umiling siya kahit hindi na niya mapigilan ang pagpatak ng mga luha niya. Oo nga hindi sinabi ng ama na lumayo siya kay Kerkie. Pero lahat iyon ginawa niya para sa pamilya nila. Ngayon pakiramdam niya isa iyon sa pinakamalaking pagkakamali niya. Tila nanghina siya bigla at binaba muna ang anak. Napaluhod siya, nanghihina ang mga tuhod niya. "Mommy, wag ka na mag-cry." Umiiyak na rin na sabi ni Nalena. Bigla ay niyakap siya ni Nat. "I'll protect you, mommy. Promise ko 'yan." Nang mapatitig siya sa anak. Alam niya na hindi niya mapapatawad ang sarili kung bakit nangyare lahat ng nangyare. Kerk, ano'ng gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD