NANG makarating sa venue ay nagpahid muna ng lipstick si Sabrina dahil nabura iyon ng maghalikan sila sa sasakyan nito. Nasa mansion sila ng mga Hernandez sa Laguna. It was his childhood house according to Kerkie. Pinagbuksan siya ng lalaki ng pinto ng kotse nito. Bumaba na siya at ikinawit ang kamay sa braso nito.
Pagkatapos nang graduation nito ay nauna na pala ang stepmom at Daddy nito umuwe samantalang sinundo siya ni Kerkie sa kanila. Napansin niya na marami ng tao sa paligid. Karamihan diumano sa mga iyon ay mga kasamahan at ilang empleyado ng mga ito. They owned some hotel across the country. Nakakita siya ng mga pamilyar na mukha. Ang ilan ay schoolmate nila at marahil ay mga kaklase nito.
Tila tinulos siya sa kinatatayuan nang makita ang isang pamilyar na babae. Nasa forties na ang edad nito at may katabi itong lalaki na malamang malapit ang edad rito. Pinagkatitigan niya ang ginang, malaki ang pagkakahawig nito sa kanya. Of couse, she knew her! Lumingon ito sa direksyon niya. Tulad niya ay natigilan ito at napatitig sa kanya. Bakas sa mukha nito ang samut-saring mga emosyon. Hindi siya puwede magkamali kung sino ito. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos palagi niyang nakikita ang mukha nito sa mga litratong katago-tago ng ama. Bigla nanlabo ang mga mata niya. Kumirot din ang bandang dibdib niya.
Ma. Dad. Ani Kerkie sa mga ito.
"M-Ma?" Patanong na bigkas niya habang nakatitig pa rin sa magandang mukha nito. Agad na inalisa ng utak niya ang lahat.
Ma? Hindi ba ang tawag nito sa stepmom nito? So it means... Her heart tighten. How is that even possible? Sa dami ng tanong na pumasok sa isip niya ay nauwe lahat iyon sa isang konklusyon. Sa loob ng maraming taon nagawa nito alagaan ang anak ng iba. Samantalang sila ng mga kapatid niya. Ilang taon lang ba siya nang iniwan nito? Umusbong ang hinanakit sa kaibuturan ng puso niya para sa taong nagluwal sa kanya. Mabilis na tinabig niya ang kamay ni Kerkie sa balikat niya.
"Sab?" takang tawag nito sa pangalan niya. Gumihit ang pagtataka sa mukha nito. "What's wrong?"
Humakbang siya palayo sa mga ito. Naalala niya ang tanong ng kuya Aldrin niya sa kanya noong nakaraan na gabi? May alam ang kuya Aldrin niya. Sigurado siya na alam nito kung ano ang koneksyon ni Kerkie sa ina nila kaya ayaw nito sa binata. Ngayon malinaw na sa kanya na sila Kerkie ang bagong pamilya ng ina na umabandona sa kanila.
"Anak..." A long sneered escaped on her lips. How dare her?!
Nag-aalab ang mga emosyon sa kanyang mata nang binalingan ito. Wala itong karapatan tawagin siyang anak.
"You're not my mother. She's already dead." Mariin ang bawat salita na binitawan niya.
Bumalatay ang sakit sa mukha nito. Does she ever care? No, the hell she care! Dahil sa makalipas na maraming taon hindi ito nagpakamagulang sa kanya
She took a step backward. Pilit siyang inaabot ni Kerkie pero ayaw niya mahawakan nito. Nangingilabot siya. Sa isang gabi bumulusok ang maraming emosyon sa buong sistema niya. Galit, pagkapahiya at pag-traydor. Kinakain ng sakit ang buong pagkatao niya.
Bago pa siya humagulgol sa harap ng mga ito ay tumalikod na siya at mabilis na tumakbo palabas ng lugar na iyon. Hindi na siya nag-abala lumingon kahit narinig pa niya na tila nagkagulo. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang nangyayari. Ang gusto lang niya ay umalis na. Nanginginig ang mga kamay niya na dinukot sa clutch bag ang cellphone nang marinig ang pagba-vibrate niyon. Tumatawag ang kapatid niyang si Aldrin.
"Kuya, uuwe na ako." paos ang boses na sabi niya sa kapatid.
Pinahid niya ang mga luha. Her heart is breaking. Bakit ito pa?
"Sabrina, what the hell happen? Tatawagan ko si Ald, pasusundo kita." May himig ng pag-aalala ang boses nito.
Naramdaman niyang may humawak sa balikat niya. Nilingon niya kung sino ang taong iyon. Nakita niya ang puno ng simpatya na mukha ng isang babae na hindi niya kilala. Kasunod nito si Erwin. Kilala niya si Erwin dahil ito ang presidente ng student council.
"Tara na, hatid ka na namin."
Kinausap niya ang kapatid na huwag na. Nilingon niya ang mga ito. Pilit na ngumiti siya. "Thank you."
She tried to smile at them but her tears keep on falling onto her face. How the hell is this all happening?
She hated Josephine! She hated all about her.
****
"NARIRINIG mo ba ang sinasabi mo, Sabrina?" Namimilog ang mata na tanong ni Ceejay sa kanya habang nakatayo silang dalawa sa tapat ng bahay nila. Tanging si Ceejay lang ang maaasahan niya patungkol sa bagay na iyon. Lingid sa kaalaman ni Kerkie kung ano ang preference ng kaibigan. If she want to hurt and stay him away from her. Ceejay is the key.
Pagkatapos nang nangyari sa bahay ng mga ito ay pinutol niya ang komunikasyon kay Kerkie. Pero mapilit ito kaya nang hindi na siya nakatiis sa pagpunta-punta nito sa kanila ay nanghingi siya ng isang linggo. Binigay naman nito iyon dahil hindi na siya ginulo nito. Tapos na ngayon ang isang linggo, susulpot na naman ito.
"Hindi talaga kita maintindihan sa gusto mo mangyari. Bruha ka! Naiingit nga ko sayo dahil mayroon kang Kerkie na mahal na mahal ka tapos sasaktan mo lang yung tao? Bakit mo ginagawa ito? Mahal ka niya." Tila nangungunsensiya na sabi nito
"Pero hindi ko na siya kailangan sa buhay ko." She spat. Walang-emosyon ang mukha niya. She felt awful. Pagkatapos niya malaman kung sino ang stepmom ni Kerkie.
Kahit gaano pa niya ito kamahal, hindi niya kayang tanggapin na sila Kerkie ang pamilyang minahal ng ina. Kung tutuusin ay sila ang anak pero bakit iba ang nagawa nitong mahalin?
Alam niya na parang kalokohan lang ang naiisip niyang pagpapatanggap nila para tuluyan na siyang layuan ni Kerkie. Mahal siya ng binata; alam niya at ramdam niyang totoo ito sa pagmamahal sa kanya. Ayaw lang niya mas gumulo ang sitwasyon. Hindi rin niya kaya pakisamahan at tuluyan pang mahalin ito sa kabila ng mga nalaman niya.
Ang gusto lang niya ay mawalan ng koneksyon sa mga ito. Josephine married Kerkie's Dad. Kung alam nga lang niya na si Kerkie ay anak-anakan ng tunay niyang ina ay hindi na sana niya hinayaan ang sarili mahalin ito. Sana hindi na niya minahal pa ito. Paano mo magagawa mahalin ang isang tao na halos sumira sa pamilya mo? Baliw siguro siya kung itutuloy pa niya iyon. Iniisip nga niya kung talaga bang pinaglalaruan sila ng tadhana. At bakit sa dami ng tao ay ito pa? Na sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan na naging malapit ito sa kanya ay wala siyang iba na ginawa kundi gustuhin makita ang lahat ng magandang katangian ng lalaki. Minahal niya ang mga iyon pero hindi ang panget na katotohanan na ito.
Tumirik ang mga mata nito sa kanya at patuloy sa paglilitanya. "Hindi ko maintindihan kung bakit gusto mo gawin lahat ito. Ang suwerte mo na don sa tao."
Hindi niya kailangan ng pangongunsensiya nito. Ang kailangan niya ay tulong para tigilan na siya ni Kerkie. It is better this way. Hindi masasaktan ang ama at mga kapatid. She will get over it, hindi lang naman si Kerkie ang lalaki sa mundo. It doesn't mean he had her first ay ito na habang-buhay. It will pass...matatapos din ang lahat ng ito.
"Pakiusap, igalang mo na lang ang desisyon ko. Mas matutulungan mo ako sa ganoong bagay." nanghihina niyang bigkas.
Hindi na niya kayang makipag-argumento rito. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito para matapos na ang sakit na nararamdaman niya. But she spoke her guts out.
"Sa tingin mo, makakaya ko pa siya tanggapin pagkatapos ng lahat? Hindi ko kayang tanggapin na nasira ang pamilya ko at lumaki kami ng mga kapatid ko na walang ina. Ano na lang ang mararamdaman ng ama ko sa oras na malaman niyang ang pamilya ni Kerkie ang kasama ng ina ko ngayon? Ayoko masaktan si Dad. Masyado na siyang nasaktan ng iniwan siya tapos dadagdagan ko pa sa kaalamang sila lang naman ang bagong pamilya ng dating asawa niya. Kaya sa tingin mo matatanggap ko pa siya sa buhay ko?" sarkastikong tanong niya.
Nagulat ito sa mga narinig sa kanya. Pati siya, tuwing naaalala niya ang koneksyon ni Kerkie sa tunay na ina ay nasasaktan din siya. Naramdaman niya ang unti-unting pagbilis nang pagtibok ng puso niya marahil sa kanina pa, pigil na emosyon.
Nangingilid na ang gilid ng kanyang mga mata. Sana hindi na lang niya nakilala ang stepmother nito. Kung hindi siya dinala ni Kerkie sa graduation party nito ay sana hindi niya malalaman ang tungkol sa stepmother nito. Doon niya nakita at nakumpirma ang kanyang ina ang babaeng ikinukuwento ni Kerkie. Ibinilin ng ama niya na kahit ano diumano ang mangyari ay huwag siya magalit rito. Ngunit hindi niya napigilan nang makita niya kung gaano ito kasaya sa bagong asawa at pamilya nito. Paano sila? Hindi na sila parte ng buhay nito ganoon ba?
"I can't say anything, Sabrina. But this is neccesary?"
Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay umiyak na lang sa sobrang sama ng loob. Magda-dalawang linggo na ang makalipas mula nang malaman niya ang lahat. Iginalang naman nito ang desisyon niya gayunman palagi itong nagti-text sa kanya na kahit ano ang mangyari ay dapat walang magbago.
Pero hindi niya kaya ang nalaman, paano niya maaatim iyon? Knowing how Kerkie loves her and her real mom love them. She felt it so unfair? Kasi paano sila? Siya?
Hanggang ngayon ay hindi niya kinakausap ang pamilya sa nalaman. Ayaw niya masaktan ang mga ito lalo na ang ama kaya minabuti niyang itago muna sa ngayon. Kahit pa sa kuya Aldrin niya na kutob niya ay may alam naman kung ano ang kinalaman ni Kerkie sa ina nila. Alam niya na walang kasalanan si Kerkie pero tuwing iniisip niya na naranasan nito ang mahalin ng ina niya samantalang siya ay napagkaitan nang pagmamahal na nararapat para sa kanya ay hindi niya mapigilan makaramdam ng pait at pagrerebelde sa loob niya.
Mabilis na dinaluhan siya ng kaibigan at niyakap. Kung may kailangan man siya nang mga oras na iyon ay tanging tulong ni Ceejay. Gusto na niyang maputol ang kahit na ano niyang koneksyon kay Josephine. Kahit si Kerkie pa iyon.
"Masakit, Ceejay pero kailangan. Masasaktan namin ang isa't-isa kung ganito... I want it all gone for good. I want him out of my life for good." may bikig sa lalamunan niya.
Hindi niya alam kung gaano na sila katagal magkayakap nang mahagip ng paningin niya ang pigura ng taong dahilan kung bakit nasasaktan siya. It hurts her more. May dala ito na isang bungkos ng white roses-- the flowers he always bring to her. Nasa labas lang sila ng bahay nila, pinapunta niya talaga ito para isakatuparan iyon. Tinext siya ni Kerkie na magkita sila kahit sa labas lang ng bahay nila. Akala niya ay hindi papayag si Ceejay but they are friends. Kailangan niya ng tulong nito higit kanino man.
Humigpit ang yakap niya kay Ceejay at pinatuyo ang mga luha sa damit nito. Kailangan na nila tapusin ang lahat hanggang hindi pa masyadong malalim ang sugat. Pinatatag niya ang loob.
"Sabrina?" Naramdaman niya ang paninigas ni Ceejay. Lalong naglandas ang mga luha sa mata niya but she composed herself. Bumitaw siya kay Ceejay at magkahawak kamay na hinarap si Kerkie. Bumaba ang mga tingin nito sa magsalikop na kamay nila ni Ceejay.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" walang-emosyon na sabi niya.
Tumingin ito sa mukha niya. Naroroon pa rin ang pagsuyo sa mga mata nito. "Kumusta ka na? Puwede ba tayo mag-usap?"
"Mag-usap tungkol saan?" walang-emosyon na sabi niya. She looked like mess. Alam niya kung gaano kabasa ng luha ang mga mata niya pero ayaw niya makita nitong nasasaktan siya. "Wala tayong kailangan pag-usapan, Kerkie. Alam mo 'yan."
Lumambong ang tingin nito sa kanya. "You need space and time. I give it to you to clear your mind."
Napaismid siya.
"Sab, puwede naman natin pag-usapan ito. Huwag ka naman magpadalos-dalos. Alam ko, naiintindihan kong galit ka pero hindi mo naman yata dapat idamay ang relasyon natin." he almost beg, the mighty Nash Kerkie Hernandez is pleading.
"Relasyon? May relasyon ba tayo?" Mapait na tanong niya. Hindi ito sumagot sa halip nakita niya ang pagdilim ng mukha nito. Ipinagpatuloy niya ang pagsasalita. She spat those words like it is nothing for her. "I don't love you. I'll never love you."
Ngayong nakatayo ito sa harap niya ay ang mukha ng babaeng iyon ang nakikita niya. Umuusbong lalo ang sama ng loob niya. Tumalikod na siya at hinatak si Ceejey papasok sa kanila. Pero pinigilan siya nito, hindi niya alam kung ano ang nangyare basta namalayan na lang niyang humarap siya para sampalin ito. Namanhid ang kamay niya kaya ibig sabihin malakas iyon.
"I don't want to see you, okay. Lalo na ngayon, pagkatapos ko malaman kung sino ang stepmom mo. Ayaw ko na makita ang mukha mo o magkaroon ng kahit na ano pang koneksyon sa inyo!" Galit na sabi niya. She felt the rage surging into her whole being.
Nang may tumulo na isang butil ng luha sa kaliwang mata nito. Bigla ay nilipad ng hangin ang lahat ng lakas ng loob niya. Gusto niyang aluin ito at sabihin na magiging maayos rin ang lahat. Ngunit wala siyang karapatan dahil siya ang nagbigay niyon sa binata. Ang gusto lang niya ay matapos na ito. No Josephine trace in her life the better. Kerkie is the constant reminder of that.
Naikuyom niya ang kamay nang lumayo ito sa kanya. She made this decision she will live with it. Kailangan niya panindigan ang mga nasabi at nagawa. Huminga siya nang malalim upang kahit paano ay maibsan ang pananakit ng dibdib niya.
"You think that's my fault?" he asked, out of nowhere.
Walang-emosyon na tinignan niya ito. "Y-Yes...dahil inagaw mo sa akin ang dapat sa amin."
Tumawa ito ng pagak. "You know what, baka nga hindi mo ko mahal. Baka excuse mo lang ang issue ng parents ko. Baka nga gusto mo lang tapusin kung ano man ang meron tayo--kung meron man."
Tumingin ito kay Ceejay, naramdaman niyang nanlambot ito sa tabi niya kaya pinisil niya ang kamay nitong hawak pa rin niya. Bumaba ang tingin ni Kerkie doon.
"You made me believe that you like me... That you had feelings for me. Now I know tht is all lie." he smirked right in front of her. Bumalik ang tingin nito sa kanya. Hindi na niya makita ang bakas ng Kerkie na mahal siya. "You're a hypocrite." he whispered, but she heard him and it breaks her heart.
Tumiim ang bagang nito. "Are you happy breaking me ha, Sabrina?"
Lahat ng mga emosyon nito kanina ay nawala. Bagkus napalitan ng kay lamig at walang ka-emo-emosyon na mga mata.
Tinapon nito ang hawak na bulaklak sa harapan niya. "Hope you are happy now, Lastimosa."
Iyon ang mga huling sinabi nito bago tumalikod at iwan sila. Ganoon lang. But it will leave marks on her already fragile and breaking hearts.
Pumiyok ni Ceejay nang mawala sa paningin nila si Kerkie.
"Ito ba talaga ang gusto mo, Sabrina?"
Hindi niya alam ang isasagot sa tanong na iyon ni Ceejay.
Nagbaba na lang siya nang tingin at pinulot ang white roses na dala nito. Ang luhang nakita niya sa mata nito ang ebidensiya na nasaktan niya ito ng husto. One single tear but she knew it hurts him so much. At hindi niya mapapatawad ang sarili niya sa bagay na iyon.
That day, her heart sank into the deep and it died. Died alone.
.....