TWO

2382 Words
YAMOT na yamot si Kerkie nang umaga na iyon. Sinumbong na naman ulit siya ng kapatid na si Katherine sa stepmother nila. Their stepmom hates his escapade— ang sabi na naman nito ay nagdala siya ng babae sa hotel room na pagmamay-ari ng pamilya nila. Kahit kailan talaga ay kontrabida ang kapatid niya pagdating sa flings at hook-ups niya. He was a young man with high libido and has wild escapade. It is normal on his age. College is the most excited time of everyone's life. Wala naman sigurong mali na i-enjoy niya kung ano ang agad niyang nakukuha at gusto niya. Nang malaman ng mga kaibigan na sina Wade at Daniel na hindi muna siya puwede magdala ng babae doon ay binuska siya ng dalawa. Mag-motel na lang diumano sila ng babae niya. Like s**t, ayaw niya dahil sobrang cheap. Hindi naman sa pagmamalaki pero may mga hotel chain sila sa iba't-ibang panig ng bansa. Mayaman ang pamilya na pinanggalingan niya kaya pakiramdam niya ay entitled siya sa lahat. Napailing siya. Napagalitan tuloy siya nang wala sa oras. Kakatawag lang nito sa kanya at sangkatutak na sermon ang inabot niya. Ayaw pa naman niyang nagagalit ang stepmother niya sa kanya. He loves her like a real mother. Nang dumating ito sa buhay nila ay naging maayos ang lahat sa buhay nila. Nagbigay ito ng ilaw sa pamilya nila. They lost their biological mom years later. Sa pagdating nito ay nagkaroon ng saya muli sa bahay nila. Ito at ang kapatid niya ang pinaka-importante na babae sa buhay niya bukod sa ina. Walang duda sa bagay na iyon. He texted Katherine. Mamaya talaga sa kanya ito. But nonetheless, he loves her younger sister. Sakit lang talaga ng ulo niya ito minsan. Dumaan siya sa pasilyo malapit sa canteen ng Science Building. Magkikita sila ng mga kaibigan sa likod ng building na iyon. A familiar beautiful face caught his full attention. No way na makalimutan niya ito. He remembered her brown eyes, cute nose and her big mouth. Nakapusod rin ang mahabang buhok nito. Ito lang naman ang babae na umaway sa kanya nang mapasok siya sa maling unit. Sa unit ng kaibigan nito to be exact. So, are they schoolmates? A hint of smile curved in her lips while browsing her phone. Pinagkatitigan niya ito mula sa puwesto niya. He finds her cute indeed. To be honest, she was not his type. Mas gusto niya sa babae na malaman lalo na sa parteng dibdib at puwet. But this woman... She was petite and beautiful on her own way. Somehow, her beauty stands in there. Sa hindi malaman na dahilan ay napangisi siya. He wanted her. *** "NAGKITA na naman tayo, sweetie." Ani ng pamilyar na baritonong boses hindi kalayuan kay Sabrina. Mabilis na nalukot ang mukha niya dahil kahit hindi siya lumingon ay kilala niya ang boses. Ang hudyong ito lang naman ang ubod ng bastos na humalik sa pisngi niya nitong nakaraan na linggo. Dahan-dahan na nag-angat siya nang tingin mula sa pagkakatitig sa cellphone nang makita ang buwesit na guwapong mukha nito. Nakatitig ito sa kanya habang nakangisi. Hindi siya bayolente pero gusto niya sakapain ito sa totoo lang. Nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot nitong pants at ang ganda ng pagkakatindig sa harap niya. Hindi niya gusto ang hantaran na pagtitig nito sa kanya. Nakakahiya kapag may ibang makapansin. Pilit ba talaga siyang pinagkakanulo ng tadhana? Bakit schoolmate niya ang hambog na ito? At bakit sa laki ng unibersidad nila ay nagkita pa silang dalawa? Minsan talaga, badtrip din ang buhay. Humugot sila nang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Inis-- no galit siya dito. Ito ang unang humalik sa kanya na hindi niya kaano-ano. Kahit pisngi lang iyon ay big deal pa rin. She was never been kissed by anyone! Umupo ito sa harap niya. She calmed her nerves and think of happy thoughts. Hinding-hindi siya maga-out burst sa loob ng university premises. Ayaw niya nang eskandalo pero iyon yata ang hanap nito. The mere presence of this guy freaks her out. Ibinalik niya ang atensyon sa cellphone at hindi na pinansin ito. "Hey, that's rude not to talk back to someone when they are asking or talking to you." Pukaw nito sa pananahimik niya. Hindi niya ito pinansin. Kunwari wala siyang narinig o nakita. It is better that way. After all, hindi naman niya ito kilala. Pero nagsimula na ito magkuwento at magtanong ng kung ano-ano sa kanya. Nainis na siya dahil nakakaagaw na ito ng atensiyon. "Puwede bang umalis ka sa harap ko. Naiirita ko sayo." Prangka niyang sabi. She was a kind person but this man is so full of his self. Ayaw niya i-associate ang sarili sa mga taong tulad nito na mukhang gumagawa ng gulo. She sighed. "And to be honest, I do not talk to strangers." Napahawak ito sa tapat ng dibdib. He acted like he is actually hurt. Napailing siya. Mukha siyang ewan! "Huwag mo naman durugin ang puso ko." Lalo lang tuloy siya nainis sa kalokohan nito. Ayaw niya sa ganitong happy-go-lucky na lalaki. Puro kalokohan lang alam nito. "I'm Nash Kerkie Hernandez. You can call me Kerk." pakilala nito. Inirapan niya ito. Ngayon alam na niya kung bakit pamilyar ito. She heard that name several times. Pero karamihan ay hindi maganda ang mga iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay may dalawang kaibigan ito na maugong rin ang pangalan. They are sought-playboy in their university. Hindi na siya nagtataka dahil mabilis kumilos itong isa na ito. Pero hindi siya magiging parte ng kalokohan nito. "I don't care," mariin na sabi niya. "That's harsh, pumpkin." He chuckled and winked at her. Ewan ba niya pero nakakainis talaga ito. "Huwag mo nga kong matawag-tawag ng kung ano-ano. At puwede ba lumipat ka ng table dahil naiinis na ako sa mukha mo. Hindi ka naman gano'n kaguwapo. Hindi ko alam kung ano ang meron sa'yo at medyo sikat ka. I find you not so interesting..." Pinadaan pa niya ng tingin ito. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Indeed." He just chuckled and stared at her. Mukhang pinagkakatuwaan nga siya ng lalaki. May naramdaman siyang kumosyon sa loob ng sistema niya. The heck! "I wasn't your type, huh?" nakataas ang gilid ng labi na tanong nito. Sa tingin niya ay nasaling niya ang nagu-umapaw na ego nito. Good! He looked good for nothing guy. Isa lang naman ang gusto niya talaga ang umalis ito at lumayo na sa kanya. Hindi niya kaya ang presensiya nito kumbaga hindi siya kumportable. Pakiramdam niya ay maso-suffocate siya, magkakaroon yata siya ng claustrophobia dahil sa lalaking ito. Hindi siya madali ma-attract sa lalaki. Kahit nga may maglakad ng hubo't-hubad sa harap niya ay hindi niya bibigyan ng pansin. Subalit iba ang lalaki na ito, yes, he has the looks and charm. Pero hindi niya gusto ang tabas ng ngiti nito lalo ang pilyo ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay gagawa ito ng kalokohan. "Aba, sweetie. Marami ang may gusto sa atensyon ko. Hindi ko rin ugali mangulit ng babae pero natutuwa ako sa'yo. Kung tutuusin ay mas maganda pang 'di hamak ang mga babae na naka-relasyon ko. Wala rin naman masyadong espesyal sayo pero—" Bumaba ang atensyon nito sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay nakikita nito ang nasa ilalim ng damit niya. Nainsulto siya sa ginawa nito. "And oh, your boobs are flat. Pero puwede naman na pagtiyagaan." Literal na napanganga siya sa pagkagulat. Iba talagang klase ang lalaki na ito at wala na siyang masabi. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakakilala nang ganitong klase ng tao—kung tao pa nga bang masasabi ito. Bigla ay nagdilim ang paningin niya. She felt embarrassed and humiliated for the first time in her entire life. Sino ba ito? Ano ang tingin nito sa sarili? Tumayo siya at hinarap ito. Namalayan na lang niyang kinuha niya ang libro sa ibabaw ng mesa. Namalayan na lang niya na umangat ang libro. Sa sobrang galit niya ay hinampas niya sa mukha nito ang hawak. Nakarinig siya nang malakas na singhapan ng mga kapwa estudyante pagkatapos gawin iyon pero wala na siyang pakialam. Ang kapal ng mukha kasi nito! Sobrang hindi siya makapaniwala. "Mr. Hernandez, una sa lahat huwag mo ko ikukumpara sa mga babae mo dahil hindi kita magugustuhan. Pangalawa, wala 'kang karapatan insultuhin ako. Pangatlo, huwag ka na lalapit sa akin dahil higit pa diyan ang mapapala mo." Madiin pero buwesit na buwesit na litanya niya. Nakatulala lang itong nakatingin sa kanya. Siya lang yata ang tanging babae na gumawa noon sa hambog na ito. Serve him right, asshole. Kinuha niya ang mga gamit at walang pakialam na umalis. Bahala ito sa buhay nito. Napaka-conceited, napaka-walang hiya at ito na ang pinaka sa lahat. Sa sobrang pagka-buwesit niya nang araw na iyon. Umuwe na siya at hindi na pumasok sa isang minor subject niya. NAPANGIWI si Sabrina pagkalabas niya sa library. Hindi siya makaalis sa building dahil sa malakas na buhos ng ulan. Kanina pa niya napansing umaga na hindi na maganda ang panahon at dahil sadyang makulit at matigas ang ulo niya ay hindi na siya nagdala ng payong. Kaya ito siya at nag-aabang nang unang tao na magsusukob sa kanya hanggang sa entrada lang sana ng gate patungong parking lot. Napatingin tuloy siya sa wristwatch na suot, ala-sais na nang gabi. Nagpalinga-linga na siya sa paligid. Kapag kasi mga ganoong oras ay bihira na lamang ang taong dumaraan. Alangan naman na bumalik siya sa loob ng library na halos wala na ring tao. May dala pa mandin siyang mga libro na hiniram niya para sa research nila. Hindi puwede mabasa ang mga libro na hiniram dahil pagmamay-ari ng library ang mga iyon at ayaw naman niya magbayad. Kanina pa dapat siya nakauwe subalit nagpa-iwan siya dahil may mga ginawa pa siya. Napatingin siya sa labas bago dinukot ang cell phone sa bag para magpasundo. Wala yatang plano ang langit na pahintuin ang ulan. Sa kamalas-malasan nga naman ay na-drain pa ang cellphone niya. Napabuga na lang siya ng hangin. Talagang malas ang araw na ito sa kanya. Sa sobrang inis ay sinipa niya ang isang can ng softdrinks na akala niya ay wala ng laman. Tumalsik ang can at napangiwi siya dahil kumalat iyon. Sana wala siyang natamaan. "Damn!" singhal ng kung sinuman. Lalong napangiwi siya. Mukhang may tao rin na naghihintay na tumila ang ulan. Nakatama pa yata siya. Hindi naman niya agad makikita kung may tao sa puwesto niya dahil may pader na nakaharang sa pagitan nila. Umabante siya ng lakad at sinilip kung sino ang taong natamaan niya. Kitang-kita niya na may tumalsik ngang laman ng can sa ibabang pants nito. Kahit ang sapatod nito ay bahagyang nabasa din. She was about to apologize when the guy turns on her. "Ikaw na naman!" Literal na nagulat silang dalawa. "Ikaw? Bakit ka nandito? Sinusundan mo ko?!" singhal niya. Lord, ano ho bang nagawa ko at mamalasin na naman yata ako? Sa dami ng tao na posible niyang magawaan ng bagay na iyon ay ito pa? Itong ayaw na niya sana makita pa! Tumaas ang isang kilay nito sa narinig. "Why should I? After what you did to my face--" Tinignan nito ang paanan kung nasaan ang can ng softdrinks na sinipa niya. Bumalik ang tingin nito sa kanya. "Sinadya mo ano?" "No!" depensa niya agad. Hindi naman talaga dahil hindi niya alam na may tao pala malapit sa kanya. "Hindi ko sinasadya, ano! Hihingi na sana ako ng tawad pero nang makita kita nagbago na ang isip ko. I don't owe you an apology you don't deserve it." Mataray na sabi niya. "Why? Am I not telling you the truth?" The nerve! Kung hampasin pa kaya niya ito ng libro sa mukha nang matauhan. Ubod kasi ito ng yabang. In-umang niya ang mga hawak na libro rito. "Ito na ang huling lapit mo sa akin or else, babasagin ko 'yang pinagmamalaki mong mukha ng gamit ko." banta niya. Ni minsan hindi naputol ang pisi ng pasensiya niya, ngayon lang at dahil sa lalaking ito. Hindi siya makapaniwala na may ganito palang ubod ng yabang at bastos ng lalaki. Ang sarap ilibing ng buhay. Akala ba nito ay nakalimutan na niya ang nangyari sa canteen ng unibersidad nila. Tinalikuran na niya ito. Nangalit ang mga ngipin niya nang maramdaman na may humawak sa braso niya. He chuckled. "'Yan ang gusto ko sa babae, palaban." "Bitiwan mo ko, asshole." Akmang hahampasin niya uli ito ng libro sa mukha— mas mainam ang hawak niya dahil hard bound ang librong bitbit niya. "Say sorry to me. You owe me that." seryosong sabi nito. Wala siyang mabasa na emosyon sa mukha nito. Napalunok siya, siguro ay galit na ito. Pero hindi siya patitinag. "Ikaw din naman may kasalanan sa akin. Ngayon quits na tayo." "Not yet. May utang ka pang paghingi ng tawad. Kung hindi ka hihingi ng tawad ay hindi kita bibitawan." matatag na sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya. "Harassment na itong ginagawa mo!" she hissed. "You owe me one, say sorry." Umiling siya. Hindi siya hihingi ng tawad. Magmatigasan silang dalawa. Akala ba nito ay natatakot siya? Aba! Hindi. Akala niya ay suko na ito nang bitiwan siya pero sa gulat niya ay binuhat siya ng lalaking na tila siya isang sako ng bigas. Nabitiwan niya ang mga gamit sa sobrang pagkabigla. "W-What are you doing? Put me down!" sigaw niya. Pinaghahampas pa niya ang likod nito subalit tila isa itong bakal na hindi natinag sa ginagawa niya. Sa laking tao nito ay hindi siya makaalma. Ni hindi nga yata masaktan ito sa pambabayo niya sa likod nito. "Teka! Saan mo ko dadalhin?!" she shouted. Sinubukan niya kumawala pero biglang pinalo nito ang puwetan niya. She felt her face reddened and just groaned in embarrassment. Narinig niya ang mahinang mga tawa nito. Napatakip siya ng mukha. Lalo siyang napatili nang maramdaman ang mga patak ng tubig sa katawan niya. s**t! They are walking under the rain. Sa lakas ng ulan ay basang-basa na agad sila. He was f*****g insane! Ano kayang gimik nito at sumuong sila sa ulan? Napatili siya sa sobrang frustration. May araw ka din! Makikita mo! May araw ka ding hudas ka! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD