KAPAG nakababa lang ako rito. Humanda ka sa akin! paulit-ulit na sabi ni Sabrina sa sarili habang bitbit pa rin siya ni Nash Kerkie Hernandez palabas ng unibersidad. Gusto na niyang tumili at humingi ng tulong pero ang problema wala siyang makita na tao sa paligid. Malakas ang ulan at sa likod sila dumaan kaya malamang wala na talagang tao doon. Tinatakpan na lamang niya ang mukha habang bitbit nito na animo'y isa lang siyang sako ng bigas. Grabeng kahihiyan ang inaabot niya rito. Nang ibinaba na siya ng binata ay nananatiling tinatakpan pa rin niya ang mukha.
"Sa liit mong 'yan sino ang mag-aakala na ang bigat mo." He looked amused.
Inalis niya ang mga kamay sa mukha at masamang tinignan ito. They are already soaking wet. Baka magkasakit pa siya dahil sa pagpapaulan na iyon.
"You asked for it. Kung humingi ka lang ng sorry ay hindi na nangyari ito." kaswal na sabi nito.
He slightly tapped her shoulder. She outburst. This is enough already! Tinabing niya ang kamay nitong nasa balikat niya.
"Nakakainis ka na talaga! Ano ba talagang problema mong siraulo ka?!" singhal niya. Naiiyak siya sa sobrang inis. "Ano bang problema mo?!"
Napaatras siya nang inilapit nito ang mukha sa kanya. Tila natulos siya sa titig nito may naramdaman siyang inilagay ito sa balikat niya. Paglingon niya ay ang jacket na suot nito ang binalot sa kanya. Nang matauhan ay lumayo siya at sinipa ito sa where it hurts the most para sa isang lalaki.
Kinuha niya ang jacket nito at hinagis dito.
Napahiyaw ito sa ginawa niya. She immediately left him without turning back. Nang bumaba ang tingin niya sa uniform niya. Bakat ang brassiere niya sa sobrang pagkabasa. Niyakap niya ang sarili para takpan ang sarili. Kaya pala binalot nito ang jacket sa kanya.
Napailing na lang siya at kinalimutan ang makonsensiya.
She's Sabrina Lastimosa, she doesn't cry but takes even.
xxx
KINABUKASAN ay pinatawag si Sabrina sa disciplinary guidance ng unibersidad nila para makausap. Alam na niya kung para sa ano ang pagpapatawag na iyon sa kanya. Sinamahan siya ng mga kaibigan na sina June at ang kababalik lang na si Ricky, pumunta doon. Hindi niya ikinuwento ang nangyari kahapon sa kanya dahil ayaw niya mag-alala ang mga ito. Pagkarating nila ay si Ricky ang nagbukas ng pinto habang nakasunod lang si June sa likuran niya.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni June.
Tumango lang siya. Nakamasid lang sa kanya ang mga kaibigan.
"Don't worry, kinausap ko na si Mr. Go kaya huwag ka na mag-alala. Hindi makararating ito sa mga magulang n'yo ni Hernandez." Ani Ricky. Ang tinutukoy nitong Mr. Go ay ang discipline officer ng unibersidad nila.
Tumungo muna siya kay June kahapon para humiram ng damit pamalit. Ang apartment nito ang pinakamalapit na mapupuntahan niya. Nakiusap siya sa kaibigan para kunin ang mga gamit niya na nalaglag dahil sa pagbuhat na parang isang sako lang siya ng bigas nang walanghiya na si Kerkie kung saan naiwan niya ang mga iyon.
"Thanks, Ricky." Maikling pagpapasalamat niya. Si Ricky ang bise-presidente ng student council nila samantalang kasama siya sa executive committee kaya big deal iyon para kay Mr. Go. They need to be the rule model not the violator.
"Sige na, gusto kayo makausap ni Mr. Go sa nangyari kahapon." Iniwan na niya ang mga ito at pinihit ang seradura ng silid. Pagkabukas niyon ay nakita niya agad si Kerkie na nakaupo sa kaliwa sa harap ni Mr. Go. Sa kabila naman siya.
"You may seat, Ms. Lastimosa." Kaswal na sabi ni Mr. Go at tinuro pa ang bakanteng upuan.
Hindi niya pinansin si Kerkie kahit ramdam niya ang tingin nito sa kanya. Sinimulan na nito sabihin sa kanila ang konsekwasyon ng mga nangyari sa kanila kahapon. Hindi dapat diumano nila ginawa iyon sa loob ng unibersidad. Ilang kapwa-estudyante at isang professor na nagsumbong na nakita sila. Na-ungkat rin ang nangyari pa nang isang araw iyong sa canteen naman.
Binigyan tuloy sila nang disciplinary action na pagtulong sa pagtuturo ng mga bata sa isang barangay sa probinsiya ng Bulacan. Dahil malayo na rin ang lugar sa bayan kaya walang eskuwelahan para sa mga bata. Isa iyon sa panglabas na adbokasiya ng unibersidad nila. Kada sabado ay pumupunta ang mga kapwa-estudyante nila na nagbo-volunteer doon para turuan ang mga batang hindi nakatungtong sa eskuwela. May feeding program din sila para sa mga bata upang masigurado na nakakakain ang mga ito nang masustansiyang pagkain. Minsan nang naging bahagi si June nang pagbo-volunteer na iyon doon. Ito kasi ang dating presidente ng St. Philomina Ministry Volunteer Group. Minsan naman ay may ina-assign ang unibersidad nilang section ng mga nag-NSTP para pumunta doon.
Ayon sa pinag-usapan ay gagawin nila iyon tatlong beses sa isang linggo. Pinagkasunduan na sa loob nang two weeks ay magbo-volunter sila. Pumayag sila niKerkie dahil kung magkataon ay baka maurong ang pag-graduate nila sa taong iyon. It's a simple punishment than getting an expulsion or they will not graduate in time. Either way, ayaw niya mangyari iyon. Kinatatakutan si Mr. Go sa higpit nito kaya buti na lang at napakiusapan ng mga kaibigan ang discipline officer nila. Mas okay ng punishment iyon kaysa mas mabigat pa. Pagkatapos sila kausapin ni Mr. Go ay pinalabas na sila.
Nilingon niya si Kerkie Hernandez bago umalis. Kailangan na nga niya masanay na laging nakikita ito.
***
NAPAHAGIKGIK si Sabrina nang magsuguran sa kanya ang mga bata na sa tantiya niya ay nasa apat na taon hanggang pitong taong gulang. Pagkababa pa lang nila sa service bus ng mga kapwa-estudyante na nagbo-volunteer sa barangay ay dumagsa ang mga bata. May kalayuan nga ang barangay sa bayan at malayo ang biyahe ng mga estudyanteng nasa elementarya at high school. Lalo naman ang mga nagko-kolehiyo na sa kabilang lungsod pa. Ni hindi pa nga sementado ang daan patungo doon kaya malaking oportunidad itong ginagawa nila.
Ala-singko pa lang nang umaga ay gising na siya para mag-ayos dahil kailangan niya makarating sa unibersidad ng alas-otso. Isang bus ng unibersidad ang ginagamit para dalhin sila doon.
"Ate, may dala po ba kayong kukulayan? Tapos mga bagong books?" tanong ng isang batang babae na nakabestida.
Nagtaka siya. Hindi niya mahulaan ang sinasabi nito nang bigla ay maalala niya iyong coloring book na nakita niya.
Ngumiti siya at pumantay sa bata. May ilang reading books din sila na dala para sa mga bata. "Oo naman, may dala kaming kukulayan at mga books."
Sabay-sabay na nag-Yehey ang mga bata. Kung tutuusin ay bago lang siya nakita ng mga ito pero parang matagal na siyang kilala kung ituring ng mga bata. Nang mapalingon siya sa direksyon ni Kerkie ay parang may humaplos sa puso niya nang makita ang init ng ngiti nito sa mga bata. Sa likod ng pangit na ugali nito ay may malambot itong puso. Ginulo pa nga niya ang buhok ng isang batang lalaki. Humalakhak pa ito nang itulak ito palakad ng mga ilang bata. Naramdaman marahil nito ang titig niya dahil lumingon ito sa kanya. Nang magsalubong ang mga tingin nila ay tipid na ngumiti ito sa kanya. She smiled back anyway.
Naagaw ng mga bata ang atensyon niya nang hinigit siya ng mga ito pumasok sa isang maliit na kubo. Pagpasok nila ay nakita niya agad ang mga silya na gawa sa kahoy at lamesa. Nagdasal muna sila at hiningi sa Maykapal na maging productive ang araw na iyon. Hindi man lang namalayan ni Sabrina ang oras. Halos lahat ng volunteer ay tinuruan ang mga bata na magsulat, magbasa at ang mga higit na mas bata ay nag-coloring lang. Sulit ang pagod lalo nang makita niya na mapursige ang mga bata para matuto.
Nang tanghali na at handa na ang mga pagkain ng mga bata ay pinapila nila ang mga ito. May ilang pasaway pero sumunod rin kalaunan. Hinanap ng mga paningin niya si Kerkie ngunit hindi na niya makita ito. Tinanong niya ang nakita niyang kasama nito kanina. Hindi umano nito napansin kung saan pumunta si Kerkie. Saglit na nagpaalam siya at hinanap kung nasaan ang lalaki. Hindi ito puwede na mawala bigla-bigla doon dahil ang pagkakaalam niya ay may isa sa mga ka-volunteer na kasama nila ang nagri-report kay Mr. Go kung nakikipag-cooperate sila. Damay siya kung magkataon. Hinanap niya ito nang may mapansin siyang bulto sa likod ng kubo. Natigilan siya sa paglapit nang makita na naninigarilyo ito. Nakatalikod man ay kilalang-kilala niya kung sino iyon.
Lumapit siya sa lalaki.
"Hindi ka dapat naninigarilyo. May mga bata tayong kasama. Maaamoy ka ng mga bata 'no." pukaw niya.
Itinapon nito ang sigarilyo at inapakan pa iyon bago siya harapin. Pagkatapos niyon ay dumaan uli ang katahimikan sa pagitan nila. Halos magkapanabayan na tinawag nila ang pangalan ng isat-isa. Natawa siya samantalang napailing ito.
"Sige na, una ka na." ani Kerkie.
"Sorry kung nasaktan kita." She sighed. "Basta sorry, hindi ko dapat ginawa 'yong mga ginawa ko." hinging-paumanhin niya.
Naisip kasi niya na may kasalanan din siya sa binata. Kahit gaano pa siya kagalit ay dapat hindi siya nanakit. Hindi tama iyong ginawa niya. At least, inaamin na niya ngayon.
Tumango ito. "I'm so sorry too."
He looked sincere though.
Ngumiti na siya. "Friends na tayo okay."
Saglit na sumulyap ito sa kanya. "I don't do frienship. To girls."
Napairap siya. "Arte mo."
Pinasadahan siya ng tingin nito. "I think I like you."
Napasimangot siya. Ang flirt talaga nito!
"Hindi ako ang tipo ng tao na itatago kung ano ang gusto ko sabihin. I hates hypocrisy." diretsong sabi nito.
She sighed again. Bahala ito basta gusto niya ng clean slate."Tutal naman nagkapatawaran na tayong dalawa." Inilahad niya ang kamay sa harap nito. "I'm Sabrina Lastimosa. Can we start again?"
Tinignan lang nito ang kamay niyang nakalahad. "Kakasabi ko lang sa'yo na gusto ki--"
"Siyempre, nakuha ko ang ibig mong sabihin." Pangunguna niya. "Ang sa akin lang ay gusto kita maging kaibigan. Ayoko ng gulo, Kerkie. Masyado nang magulo ang world grabe kung dadagdag pa tayo."
"Hindi ako nakikipag-kaibigan sa babae." Pagtagalog lang nito sa sinabi kanina.
Kinuha niya ang kamay nito at ipinagkamay niya sa kanya. "Kung hindi ka nakikipagkaibigan sa babae 'edi ako pala ang unang babae na magiging kaibigan mo. I'm so flattered to be your first girlfriend, Mr. Hernandez ."
He chuckled and squeeze her hand. "Good to hear, my girlfriend."
She gulped. Iba yata ang naging pagkakaintindi nito sa sinabi niya.
***