FOUR

2348 Words
NAKAHALUKIPKIP na ibinalik ni Sabrina ang tingin sa harap ng bar stool. Naiinis siya sa ama kung bakit sa tagal ng panahon ay patuloy nito tinatago ang litrato ng ina. Bakit hindi na lang nito tanggapin na iniwan at hindi na sila babalikan nito. She hated Josephine but never her Dad. Ito halos ang nagpalaki sa kanila at sinikap na maging maayos sila. Hindi niya makalimutan ang pagbalatay ng sakit sa mukha nito... "Why do you still hiding this picture of that woman, Dad? You're just hurting yourself." ani Sabrina nang makita na hawak na naman nito ang picture na iyon. He was drinking again. She hated it. Inaasahan ba nito na babalik ang babaeng iyon sa buhay nila? Hindi. At wala na siyang pakialam dito. Wala na siyang pakialam sa lahat ng may kinalaman dito. Ni malaman kung nasaan ito at kung sino ang bagong pamilya nito. Kung ano na ang buhay nito ay wala siyang pakialam. When she leave them like trash she promised that she won't find her anymore. Not anymore... "Don't hate her, anak." ani ng ama at bumaling sa kanya. Tumiim ang mga bagang niya sa galit. Don't hate her? Puro ganoon at lalo siyang nagagalit dahil imbes na sabihin nitong kalimutan ay huwag diumano magalit. Bakit hindi? "Bakit Dad? You still love her despite the fact she left us for her own good? Sino ang ina na gagawin 'yon? Ang mahal lang niya ay ang sarili niya. Wala siyang pakialam sa atin!" Ramdam niya ang pagtulo ng mga luha. She hated her mom so much. Ano bang kulang sa pamilya nila? Bakit iniwan sila? Anong problema? "Don't say that, Sab." "Malaki na ko, Dad. I understand everything." Nang bumalik sa alaala niya ang mga huling sinabi ng ama sa kanya bago iwan ito. Hindi niya kayang patawarin na lang ito basta o hindi magalit. Naiwan siya at lumaking wala ito dahil para sa ano? Dahil ayaw na nito sa pamilya nila? I love her, anak. Kahit iwan at saktan pa niya ko ng paulit-ulit. May kasalanan din ako. Nawala siya dahil naging makasarili ako. Isa pa, siya ang dahilan kung bakit nandito kayo. Um-order siya ng alak at straight na ininom iyon. Gumuhit ang init sa lalamunan niya. "Screw me then." she muttered. Iniwan sila dahil sarili lang nito ang iniisip. Kung may selfish man ay ito hindi ang Daddy niya. Kaya inis na inis siya kung bakit sa kabila nang pag-iwan nito sa kanilang pamilya ay tila naghihintay at patuloy pa ring iniibig ng ama ang ina. Nang mga oras na iyon kung makikita lang siya ng mga kapatid o ng mga kaibigan niyang umiinom ng alak ay katakot-takot na sermon agad ang aabutin niya. Pero walang kahit na sino ang naroroon na nakakikilala sa kanya. Sana nga para walang tumutol kung lunurin man niya ang sarili sa alak. Nang naramdaman niyang may umupo sa tabi niyang bar stool. Paglingon niya ay nagulat siya nang makita si Kerkie. Ano ang ginagawa nito sa lugar na iyon? She arched her brow. "Mr. Hernandez?" He smiled. "Hi, Sabrina. Nice meeting you here." Binalik niya ang tingin sa harap. "Is there something wrong?" Pagkatapos nila makapag-usap ng masinsinan at makapagpatawaran ay naging ayos na sila. Well, they are sought of friends now. "Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako?" "Hindi kita sinusundan." Depensa nito at tinaas pa ang mga kamay sa harap niya. Hindi na niya pinansin ito at hinayaan na lang. At least naman hindi siya pinipigilan nito. Sumenyas din ito sa bartender at humingi ng alak. Napalingon siya sa binata nang tulad niya ay straight din na ininom nito ang alak. "Ikaw ba? Heartbroken?" Uminom lang din ito sa tabi niya. Ilang minuto lang na hindi ito umimik at binalingan na rin siya. "Basted na ba ko?" "Not funny," she smirked. Tumawa ito. "Bakit ba? Eh this is my favorite bar place." Mataman na tinignan nito ang mukha niya. Bumuntong-hininga ito saka binalik ang tingin sa harap. "Puwede ka magkuwento sa akin. Makikinig ako sa'yo." "Bakit naman?" "Girlfriend kita, nakalimutan mo na agad." he teased. Inirapan niya ito. "Ewan ko sa'yo." "I'm serious. Puwede ka magkuwento sa akin." Humarap ito sa kanya. "I'm all ears, you can share." Napatitig siya sa kawalan nang maalala ang ina. Natagpuan na lang niya ang sarili na ipinakikita ang tunay na nararamdaman niya. Ang sama ng loob. Lahat ng may kinalaman sa ina niyang hindi na bumalik pa. "Alam mo, galit ako sa nanay ko. Sampung taon ako nang iwan at ang dahilan niya ay hindi na niya mahal si Daddy. But still my Dad, loves her." panimula niya. "I lost my Mom when I was eleven, she died of cancer." Nilingon niya ito. "After two years, my Dad married our stepmother, my Mama." Hindi siya agad nakaimik sa sinabi nito. Malungkot rin pala ang kuwento nito. Tumikhim muna siya bago nagtanong. "Nagalit ka?" "For what?" "Kasi nagpakasal ang daddy mo. It should be only your mom, right?" Nagkibit-balikat ito. "At first oo, pero natanggap ko dahil nakita ko kung gaano siya kabuti na ina para sa amin ni Kat. Naiinis nga ko sa mga anak niya dahil bakit nagawa nila ipagtabuyan si Mama. Kung hahayaan siguro nila na iparamdam ni Mama kung gaano siya kasarap magmahal. Baka nga agawin pa nila sa amin ang stepmom ko." She stared at Kerkie. "Hindi mo rin siguro masisisi ang mga anak, Kerkie. Naiwan sila eh." mapait na sabi niya. Binalik niya sa baso ang atensyon niya. "The worst thing is, my family became miserable." Napatango na lang ito. Siguro nakuha rin nito ang punto niya. Ilang minuto pa ang lumipas na walang imikan sa pagitan nila nang mag-aya na ito. "Tara na, iuuwe na kita." Itinaas niya ang isang kamay. "Ayos pa ko. Kung gusto muna umalis hindi kita pipigilan. Makauuwe naman ako mag-isa." Hinawakan nito ang braso niya. Pumiksi siya hindi siya kumportable sa init na nagmumula rito. "Hindi ka puwede mag-isa sa mga ganitong lugar. This place is not safe for you." Tumaas ang gilid ng labi niya. "Bakit? Safe din ba ko sa'yo? Malay ko ba kung lasingin mo ko tapos reypin." Prangka niyang sabi. He laughed this time. She find it charming, pero baka lasing na nga talaga siya. "Hindi ako namimilit lalo na ang pumuwersa ng babae. Girls throw themselves to me." Kaswal na sabi nito. Napaingos siya. "The guts?! Ano ka regalo ng Diyos?" He just laughed again. "You're so funny, Sabrina. Now I know why I like you." Hindi na niya pinansin ang sinabi nito. Pero may naramdaman siyang kaunti na kiliti sa huling sinabi ng lalaki. "Gusto ko pa nga uminom. Kung samahan mo na lang kaya ko uminom, ano." Idinukdok niya ang mukha sa dibdib nito. Nalanghap na naman tuloy niya ang mamahaling pabango nito. Lasing na nga yata siya kasi kung matino pa ang pag-iisip niya hindi niya gagawin iyon. "Lasing ka na." Tiim-bagang na sabi nito. Malamlam ang mga mata na tumingin siya sa mukha nito. Gusto pa niya uminom mas mainam siguro kung samahan na lang siya para may kasama naman siya kahit papaano. "Inom tayo, please, please, please." Parang bata na sabi niya at ngumuso pa siya. Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. Hinaplos pa ng hinlalaki nito ang mapula-pula na niyang pisngi. "Paano mo nagagawa 'yan?" halos pabulong na tanong nito. "Ang alin?" inosenteng tanong naman niya. Umiling ito. Tila nakoryente siya nang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa noo niya. Kung kilig iyon, edi, kinikilig nga siya. Nang giniya na siya ni Kerkie palabas ay sumama na siya. Akala pa naman niya ay madadala ito sa pa-cute niya pero hindi pala. Laking gulat niya nang dalhin siya ni Kerkie sa isang convenience store. Hindi na siya sumama papasok sa loob at hinintay na lang ito sa labas. Dinukot niya sa bulsa ang isang pakete ng sigarilyo na binili niya kanina bago pumunta ng bar. Kumuha siya ng isang piraso. Bago pa niya masindihan ang sigarilyo ay may kumuha na niyon sa kamay niya. Inis na tinignan niya ang taong gumawa niyon. "What the heck?" Inapakan nito ang isang stick na kinuha niya. Nag-protesta siya pero walang epekto. "Masama sa katawan ang pagsisigarilyo." ani Kerkie at inagaw ang kaha sa kanya. Napangiti siya ng sarkastiko. "Look who's talking? Naggi-smoke ka rin naman eh." "Hindi na ngayon," depensa nito sa sarili. "Well minsan, pero hindi na madalas. Takot ko lang sa'yo." Sa pagbalik nito ay may bitbit na itong chocolate bar. Nagsalubong ang mga kilay niya nang inabot nito iyon sa kanya. "Anong gagawin ko diyan?" Binuksan nito ang plastic wrapper niyon. "They say, people are what they eat. Therefore, when you eat chocolate it tends you to be happier. Kasi nga it has serotonin – you know, it knows as happiness hormone. Alam mo ba na palagi ko binibilhan ni Mama nito para daw um-okay ang pakiramdam ko lalo na kapag badtrip ako. It will help your mood, trust me." Kumindat pa ito sa kanya. "Your biological mom?" paninigurado niya. Umiling ito kaya napamaang siya. The fondness on his voice when he talked about her stepmom. Sino ang mag-aakala na may ganitong side si Kerkie. "Don't give me that look." Saway nito. Nang mapagtanto niya ang pinagsasabi nito ay hindi niya mapigilan ang humanga at magulat sa rebelasyon na kanyang nalaman. Mahal nito ang stepmom nito like his real mom. How lucky of him. "Seryoso ko!" he insisted. She can't help but to smile. "Ang suwerte ng stepmom mo." Nasambit na lang niya. "No. Kami ang suwerte mula nang dumating siya sa buhay namin. Naging mabuti siyang ina para sa amin ni Kat. Ang laki ng pagpapasalamat ko sa kanya." he sincerely said, then again, it touches her heart. Kinuha niya ang chocolate bar na hawak nito at kinain iyon. Sinakyan niya ang pakulo nito tutal naman ay nakakatuwa ito. Nang maubos niya iyon ay humagalpak na siya ng tawa kahit walang nakakatawa. Natigilan siya nang mapansin ang mataman na titig nito kaya bigla ay nakadama siya ng pagkailang. "S-Sabi mo kapag kumain ako ng chocolates magiging masaya na ko. I'm laughing." Tumikhim siya nang hindi pa ito natinag sa pagtitig sa kanya. Pinunasan niya ang kanyang mga labi dahil baka may natira pa siyang chocolates doon. Nang hindi na niya kayanin ang mabigat na titig nito ay hinampas na niya sa braso ito. "Aray ko naman!" daing nito. "What's with my face? Mukha ba kong tanga?" "Medyo, but I like the sounds of your laugh." Inirapan niya ito. "Ang bolero mo." Nilingon niya ito. Nang bumalik ang tingin nito sa kanya ay may nabanaag siyang emosyon na ngayon lang niya nakita rito. Isang emosyon na hindi niya akalaing ipapakita nito sa kanya. Hindi awa kundi masuyong tingin ang pinupukol nito sa kanya. "Iniisip ko kung gaano ba talaga kasakit para sa isang anak ang iwan lang ng gano'n. Kung gusto mo umiyak; iyak lang huwag mo itago dahil hindi gagaan ang pakiramdan kung ganyan." seryoso na sabi nito. Napabuntong-hininga siya. Siguro nga masyado na siyang transparent sa binata. Pero kahit ganoon ay gumaan ang loob niya. Mabuti rin na may iba siyang nasasabihan kaysa sinasarili niya. "Salamat." Walang-halong kahit na anong kasarkastikuhan. Sinsero siya sa pagpapasalamat. Kerkie is a good person. Maloko lang minsan pero okay ito kasama. Hindi niya alam kung anong klase ng espiritu ang sumanib sa kanya dahil namalayan na lang niya na hinigit ito. Their lips met...and she felt the beating of her heart for the first time. She felt alive. *** NAPAILING si Sabrina nang tunggain niya ang beer in can na binili ni Kerkie sa convenience store na nadaanan nila. They are drinking at the highest part of Rizal. Kita niya ang liwanag sa baba na sa tingin niya ay ang buong Metro Manila. She like the outside view and the fresh air onto her skin. Kanina saglit lang na nagdikit ang mga labi nila, tila 1 minutes lang iyon at humiwalay siya. Lasing na nga yata siya para gawin iyon pero wala siyang makapa na pagsisisi. Tumingin siya sa kalangitan na puno ng bituin. Nakaupo sila sa hood ng sasakyan nito at nakatitig sa mga munting liwanag na nagmumula sa harap nila. "I kissed you. That is my first kiss." she pouted. Lumingon ito sa kanya. "Same." Napaingos siya. "Huwag mo nga akong lokohin. I'm sure, you kiss a dozen of women out there. Higit pa sa kiss malamang." Kerkie was a walking flirt. Imposible na siya lang ang tanging hinalikan nito. Ngumisi ito. "Hey, rude mo talaga. It was my first real kissed kasi with feelings." Natigilan siya sa narinig. Baka niloloko lang siya ni Kerkie, right? "Stop flirting with me. Hindi eepekto 'yan." she shrieked. Humiga siya sa hood ng kotse nito at tumitig sa langit. Aaminin niya na um-okay ang pakiramdam niya. She might be a little tipsy but she can manage herself. "But it is true. I'm happy just being with you." Tumabi ito sa kanya at nilingon siya. "You don't impress yourself but I'm admiring you. You're lovely, Sabrina. Huwag mo isipin na ipinagkait sa'yo ang lahat." Tumitig ito sa mga mata niya. May nabanaag siyang emosyon sa mga mata nito na hindi niya mawari kung ano. But he was telling the truth, it is true. He move forward and claimed her lips. Saglit na tila na-blangko ang isipan niya at hinayaan niya lumalim ang halik na iyon. When Kerkie deepened the kissed and seeking to open her lips, without thinking she obliged and kiss him fully. It was her second time kissing the same person. Ito ang unang bumitaw sa labi niya. Nanlaki ang mga mata niya. "Gosh! This is not funny anymore." protesta ni Sabrina pagkatapos ay bumaba na siya sa hood at pumasok sa loob ng kotse. Gusto na niya takpan ang mukha niya sa kahihiyan. Hindi naman niya masabi na ninakaw ni Kerkie ang una at pangalawang halik niya dahil nagpaubaya siya. "Hindi na talaga dapat mangyari 'yon. Hindi na." she shook her head and convinced herself not to let it happen again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD