"KRICEL, magsabi ka nga ng totoo? sino ang ama ng ipinagbubuntis mo, ha?" galit na tanong ng daddy ni Kricel. Dinalaw siya nito kasama ang mommy niya sa ospital. Nabalitaan kasi nila ang nangyari sa kanya. Kamuntik na siyang makunan nang aksidenteng nadulas siya sa hagdan. Nataranta naman ang ate niya na siya niyang tinawagan. Pero mabuti na lang at nadala siya agad sa ospital kung hindi baka nawala na ang baby na iniingat-ingatan niya. Pero hindi niya inaasahan na pupuntahan siya sa ospital ng mga magulang niya. Ang nabanggit lang kasi ng ate niya ay magpapadala ito ng magbabantay sa kanya dahil marami itong inaasikasong pasyente sa clinic nito. In short, hindi nito maiiwan ang trabaho nito para lang magbantay sa kanyan. Kaya lang pinakahuli na niyang iniisip na ang darating ay ang mga

