“OKAY na ba sa iyo ang ganitong tirahan?” tanong ni Kentt nang alalayan nito sa pagbaba ng sasakyan si Rosaline. Napatingin naman ang dalaga sa malaking bahay na nasa harapan niya. Dalawang palapag ang bahay na natatakpan ng mataas na gate. Mahaba ang driveway mula sa gate. Maluwang din ang porch na may bakal na upuan at glass top ang mesa. Ganoon din ang bakuran na nalalatagan ng Bermuda grass samantalang malalaking paso naman ng halaman ang nakapalibot mismo sa harapan ng bahay. “It looks nice outside,” nakangiting tugon ni Rosaline. “That’s good to hear. Sana magustuhan mo rin ang loob ng bahay,” wika ni Kentt. “Let me see.” Noong pumayag si rosaline sa suhestiyon ni Kentt na tumira siya sa ibang bahay ay hinayaan na rin niya itong maghanap ng matitirhan niya. Hindi na siya sum

