HINDI makatulog si Rosaline ng gabing iyon. Mag-isa lang niyang nakahiga sa king-sized bed ng master bedroom. Umuwi din si Kentt kanina pagkatapos nilang mag-dinner. Wala naman siyang karapatang pigilan itong umalis dahil alam niyang pamilyadong tao ito. Natural na uuwi at uuwi pa rin ito kung nasaan ang pamilya nito. Kaya lumalabas na nakikihati lang siya sa oras nito. Oo nga’t magkakanak na sila. Pero hindi ibig sabihin nito na may karapatan na siya kay Kentt. Iyong anak niya siguro ang mayroon. Pero siya, wala kahit katiting. Kung gusto niyang magkaroon siya ng karapatan sa lalaki, kailangan niyang pumayaga na maging kabit nito. Oops! Isusumpa siya ng mommy niya kapag ginawa niya iyon. Iyon na na nga lang umalis siya ng poder nito at pumayag sa kagustuhan ni Kentt na tumira siya sa ib

