MATAMIS ang ngiti ni PJ habang nakatitig sa maamong mukha ni Kricel. Tulog na tulog ito. Napuyat at napagod ito dahil sa kagagawan niya. Hindi lang minsan nilang pinagsaluhan ang tamis ng pagmamahalan. Hindi niya maalala kung ilang beses niyang inangkin ang dalaga. Hindi nga siya makapaniwala na nagawa niya iyon. Hindi naman siya uminom ng aphrodisiac na katulad ng suggestion ni Helena. Basta pumunta lang siya roon at nakipagkita kay Kricel. Ang pangunahing intensyon niya ay para makahingi ng dispensa sa nagawa niya rito noon. Ni hindi na niya pinag-interesan pang muling angkinin ang dalaga kahit na inutusan pa siya ng asawa niya. Natatakot siyang baka masaktan niyang muli si Kricel sa oras na nasa ilalim na naman siya ng sspiritu ng aphrodisiac. Kaya ang plano lang niya ay kausapin it

