“WHAT did you tell Rosaline? Bakit mo siya pinuntahan habang wala ako?” Iyon ang unang lumabas sa bibig ni Kentt nang makauwi siya sa bahay nila at makita niya si Candy. Wala na siyang pasakalye. Basta kinompronta na niya agad ito nang madatnan niya ito sa bahay nila. “Sinong Rosaline ang tinatanong mo?” Napaismid si Kentt. Nagkunwari pang walang nalalaman ang asawa niya pero alam niya kung ano ang totoo. Nagpapatay-malisya lang ito dahil sigurado siyang ayaw nitong mag-away silang dalawa. “I’m referring to Rosaline Lumbera. Ano bang sinabi mo sa kanya, ha?” Ayaw ni Kentt na magalit kay Candy hangga’t maaari dahil baka marinig sila o makita ni Cherryl. Pinipilit niyang magpakahinahon kahit na parang gustong umusok ng ulo niya. “Oh! Iyong kabit mo ba ang tinutukoy mo? Wala naman. Ang s

