XERXES “Sir, someone is looking for you,” iyon agad ang bungad ni Diana sa akin nang makapasok dumaan ako sa may table niya. “Who?” Bakit hinayaan niyang pumasok sa opisina ko? Hindi ba sinabi ko sa kaniya na huwag magpapasok ng kung sino-sino sa opisina ko, maliban na lang kung si Mamita o ang mga kaibigan ko. Si Nikita, kahit kailan, hindi pa siya pumaparito dahil sabi niya ayaw niyang makaabala sa trabaho ko. “T-tatay n’yo raw po… siya,” kinakabahang sagot nito. Mabilis ko siyang nilampasan at nagtungo sa opisina ko. Naabutan ko ang isang isang may edad na lalaking kampanteng nakaupo sa sofa habang naghihintay sa akin at umiinom pa ng kape. Agad na ngumisi ito ng makita ako. “Hello, son,” sarcastic na bati niya sa akin. Pabagsak na sinara ko ang pinto habang nakatingin ng matali

