XERXES “Lora,” ko sa pangalan niya. Tinapat ko ang daliri sa ilong niya para alamin kung buhay pa ba siya pero mabagal na ang paghinga niya. Agad kong kinuha ang phone ko at tumawag ng ambulansya para madala agad siya sa ospital. Tumingin ako sa paligid. Mukhang wala nang tao maliban sa kaniya. Siguro ay tumakas na si Alfred pero sinama niya si Cindy. Damn that oldman. I know he’s a bastard, but how could he beat his wife with to death? Wala na ba talagang konsensyang natitira sa kaniya? Nanatili ako sa tabi niya habang naghihintay ng ambulansya. Bigla kong naalala si Mama. They just both fell in love with the wrong person. I can tell that Lora is a good person. When she begged me to save her from my own father, I hesistated to help her at first, but when she mentioned that they have a

