NIKITA’S POV Mula noong first monthsarry naming dalawa ni Xerxes ay mas naging sweet pa siya kaya hindi ko mapigilang kiligin. Hanggang sa hindi ko namalayang na ilang buwan na pala ang lumipas. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Apat na buwan na ang nakakaraan. At sa loob ng apat na buwan na iyon, alam ko at sigurado na ako sa nararamdaman ko. Mahal ko na ang asawa ko. O mas tamang sabihing, mahal ko na ulit si Joaquin. Hindi naman siya mahirap mahalin. Parang bumalik lang kami sa dati. Napatingin ako sa bintana at binuksan ko ang makapal na kurtina. Napangiti ako nang tumama sa mukha ko ang sikat ng araw. Parang ang ganda ng umaga, at maagang sumikat ang haring araw kahit alas sais pa lang naman. Tumingin sa asawa ko na nasa kama pa rin, lumapit ako para gisingin siya pero nagulat ako n

