NIKITA’S POV Pinilit pa rin kaming ginigitgit ng mga reporter para pilitin akong sumagot. “Miss, pakisagot ng mga tanong,” pilit ng isang reporter na pinipigilan ng guard. “Hindi iyon totoo,” sagot ko at umiling pa ako. Napatingin ako nang may humawi sa mga reporter at itinaklob niya sa ulo ko ang suit niya bago niya ako niyakap para itago ang mukha ko. “Leave my wife alone,” galit na saad ni Xerxes. “Or I’ll make you all lose your jobs,” pagbabanta pa nito at inakbayan niya ako patungo sa kotse. Wala naman nang nagawa ang mga reporter kundi ang bigyan kami ng daan. Nakasunod naman sa amin si Jelly pero kay kuya Obet na siya sumama. “Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Xerxes nang makapasok na kami sa kotse at hawakan niya ang mukha ko. Tumango ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan

