NIKITA’S POV Hindi siya umimik sa sinabi ko. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya na para bang wala siyang narinig kaya pinakatitigan ko siya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilan niya kung bakit bigla siyang nawala dati. Tapos ngayong magkita kaming dalawa, mayaman pala siya. O baka naman mayaman na talaga siya dati, hindi lang niya sinasabi sa akin. Pero mukhang wala talaga siyang balak na ipaliwanag sa akin ang lahat. Ayaw ko na rin naman siyang pilitin na mag-kwento pa. Baka kapag nalaman ko ang dahilan niya baka bumalik lang iyong sakit kaya nga hinayaan ko na lang. Pabiro na nga lang ang pagkakasabi ko sa kaniya para hindi ramdam na bitter ako sa nangyari. Isa pa, ramdam ko rin naman na ayaw niyang pag-usapan ang nakaraan, para bang iniiwasan niya talagang b

