NIKITA’S POV Napakunot ang noo ko nang magising ako. Tumingin ako sa paligid at saka ko lang napansin na wala ako sa kwarto. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nanonood ako ng TV. Tumingin ako sa TV at bukas pa rin iyon pero ibang palabas na ang nagpi-play kaya agad kong kinuha ang remote at pinatay iyon. Tumingin ako sa labas at maliwanag na kaya agad na akong bumangon. Napahawak ako sa batok ko at nag-unat muna ako bago ako tuluyang tumayo. Tiniklop ko ang kumot na ginamit ko bago ako lumabas ng kwartong kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung anong oras na dumating si Xerxes. Bakit hindi niya ako ginising? Hindi siguro niya ako hinanap. Bakit naman niya ako hahanapin kung sakaling hindi niya ako makita sa kama namin? Sa restroom na lang dito sa baba ako naghilamos at gargl

