NIKITA'S POV Natulog lang ako sa kwarto ni Xerxes. Masakit pa rin ang balakang ko kaya nagpahinga lang muna ako. Wala naman akong gagawin dahil ayaw naman akong patulungin sa mga gawaing bahay ng mga kasambahay dito. Nang magising ako ay hapon na pero hindi agad ako bumangon. Nakatitig lang ako sa kisame. Ang bilis talaga ng mga pangyayari, kagabi ay sumama lang ako kay Alex sa birthday party ni Ma’am Sarina na ngayon ay kailangan ko na ring tawaging Mamita. Pagkatapos ay may nangyari sa amin ni Joaquin Xerxes at bigla kaming pinakasal ng Lola niya at ngayon nga ay nakatira na ako rito sa bahay nila. Pero bigla akong napasimangot nang maalala ko ang ginawang pagsigaw ni Xerxes kanina. Mabilis na akong bumangon. Inayos ko muna ang pinaghigan ko para walang kusot ang kama. Baka mamaya

