NIKITA Nagtungo na lang ako sa bathroom. Pero maging sa bathroom ni Xerxes parang buong apartment na naming ito ni Jelly. Ganito ba talaga ang mayayaman? Bukod ang shower room at toilet? Iyong akin kasi sa apartment, isang maliit na square room lang, tapos doon na toilet at shower. Pero dito, wow, kahit mahabulan pa ay pwede. White ang kulay nang buong paligid, tapos may malaking salamin na nakadikit sa wall at may sink sa baba noon, pero ang baba nang sink ay parang mahabang cabinet. May nakita akong isang pinto sa gilid sa pagitan nang sink at shower room. Pinihit ko iyon pabukas pero maliit na siwang lang ang ginawa ko para makita kung ano ang nasa loob noon pero mukhang pinto pala iyon papunta sa walk-in closet. Nakita ko si Xerxes na winawalis niya ang bubog na kumalat sa sahig kaya

