NIKITA Tumingin ako kay Xerxes habang nagmamaneho siya. Medyo magulo pa ang buhok niya na parang sinuklay ng kamay niya. Naka-formal attire siya, kaya siguro ay papasok din siya sa opisina o nanggaling na pero hindi ko alam dahil alas diyes pa lang naman ayon sa relong suot ko. Itinukod ko ang siko ko sa may bintana habang sapo ko ang ulo ko. Hindi ko alam kong ano ang mangyayari sa akin. Kung tama bang sumama ako sa kaniya pero alam kung kapag hindi ko iyon ginawa ay lola niya ang posibleng magsundo sa akin. Hindi ko pa nakakalimutan ang unang beses na sinundo ako ng mga tauhan ni Ma’am Sarina. Sapilitan talaga nila akong sinama. Muli akong tumingin kay Xerxes. Kitang-kita ko ang magandang hugis ng panga niya dahil naka-sideview siya sa akin at busy ang mga mata niya sa unahan. Hindi n

