NIKITA’S POV Biglang tumayo si Xerxes pero nanatiling magkahinang ang mga labi naming dalawa. Mas lumalim ang halikan naming nang sapuin niya ang magkabilang pisngi ko. Nagmulat ako ng mga mata ko at hindi ko mapigilang mapangiti nang makita kong nakapikit si Xerxes habang patuloy siyang humahalik sa akin. Ngunit muli akong napapikit nang marahan niyang kagat-kagatan ang ibabang labi ko na parang nanggigil siya. Noong una ay marahan pa ang paghalik niya na para bang tinutudyo niya ang mga labi ko hanggang sa unti-unti iyong lumalim at naging mapaghanap. Binuhat niya ako kaya awtomatikong pumulupot ang mga binti ko sa beywang niya at yumakap ang mga braso ko sa leeg niya upang hindi ako malaglag. Mas naging pangahas ang mga labi ko. Sinasabayan ko naman ang bawat galaw ng labi niya kahit

