XERXES Natigilan ako habang hindi makapaniwalang nakatingin sa phone ko. She said, 'I love you.' Parang gusto kong tumalon sa tuwa. Napasuntok ako sa hangin. Muntik pa akong bumangga sa sofa habang nagmamadali akong lumabas ng opisina ko. Nakita ko pang nagtatakang tumingin sa akin ang secretary ko. “Lunch is on me, you can eat at Tasty Nook for free today,” saad ko sa kaniya na mukhang nagulat sa sinabi ko. Nginitian ko siya bago ako mabilis na nagtungo sa elevator. Tila ba naririnig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Tumingin ako sa relo ko. I still have time before my lunch meeting. Sa ngayon, gusto ko munang makita ang asawa ko. She’s probably in their university’s library. Mabilis akong nakapasok sa loob ng university dahil alumni ako rito. Kilala ko rin ang isa sa mga guard

