NIKITA’S POV Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala. Pero nang matauhan ako ay mabilis akong tumayo. Hinamig ko ang sarili ko. Baka naman nagkakamali lang si Tatay. Baka naman hindi talaga si Nanay ang kabit ng ama ni Xerxes. Dahil kung si Nanay nga, paano ko haharaping muli ang asawa ko? Narinig ko na mismo sa bibig ni Xerxes ang nangyari at kahit ako nagalit sa kabit ng ama niya, kaya paano ko tatanggapin na ina ko pala ang babaeng iyon? Wala na ang ina ko, matagal na siyang patay kaya hindi ko na siya matatanong pa. Si Mamita, baka may alam siya. Baka pwede niyang itanggi ang lahat ng sinabi sa akin ni Tatay. Baka nagkamali lang ang ama ko dahil hindi ganoong babae ang nanay ko. Mabuti siyang ina, mabait siya kaya paano niya magagawang mangabit at maging kabit? Sinubukan

