NIKITA’S POV Nasa kwarto ako at nakahiga na sa kama. Habang si Xerxes naman ay kausap pa ni Mamita sa Library. Hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila. Nang dumating siya kanina ay wala siyang sinabi. Hindi rin agad ako nagtanong sa kaniya. Habang sa dinner naman ay galit na galit rin si Mamita kay Alona. Nakahiga na ako sa kama habang hinihintay na bumalik si Xerxes sa kwarto namin. Hindi rin ako nagtitingin ng balita dahil ayaw kong mas isipin pa ang nangyari. Hindi ko alam na darating sa putong magiging laman ako ng balita dahil sa ginawa ni Alona. Agad na napaangat ako ng tingin ng lumapit siya sa akin. Agad siyang kumapit sa akin at inangat ang kumot bago nahiga sa tabi ko. Niyakap niya ako papalapit sa kaniya. “Don’t worry about what happened today, I already handle it, but

