NIKITA’S POV “Anong ginagawa mo rito?” bulong ko kay Xerxes. “I want to eat with you,” wika niya at tinaas ang kamay pero ang mismong manager ang lumapit. “Yes, sir?” matamis pa ang ngiti nito habang nakatingin kay Xerxes na para bang hindi kami nakikita ni Jelly. “I want Sirloin Beef steak and Caesar Salad,” saad ni Xerxes. “Are you going to eat with them, Sir?” gulat pang tanong ni Julio a.k.a Julieta. “Yes, I want to eat with my wife, any problem with that?” malamig na tanong ni Xerxes. Kita ko naman ang paglaglag ng panga ni Julio kaya napangiti ako ng malaki. Wala sana akong balak na ipangalandakan sa kanila na asawa ko na ang boss nila pero si Xerxes na mismo ang sumunod sa akin at nagsabi sa lahat kaya alam kong malalaman na nila iyon. Isa pa, wala naman sigurong masama kung

