NIKITA’S POV Matapos naming dalawin si Ashley ay sa apartment na kami nagtungo ni Jelly. Dito ko na rin hihintayin si Xerxes dahil sinabi ko sa kaniya na dito na lang niya ako sunduin. Pero bago umuwi ay bumili muna ng pizza si Jelly at isang malaking coke para raw sa meryenda naming gayong pakiramdam ko nga hindi pa natutunaw ang kinain naming kaninang lunch. “Alam mo, hindi ko alam kung maaawa ako kay Ashley. Gusto kasi niya easy money kaya kahit matanda o sadista pinapatulan niya basta may salapi,” saad ni Jelly habang kumakain ng peperonni pizza. “Pero hindi ba, alam naman ng mga sugar daddy niya simula pa lang kung anong pakay niya?” “Oo, alam mo parang exclusive pokpok lang ang tawag sa kaniya. Kaso nga lang, mukhang boksingero pala ang nahanap niya.” “Jelly.” “Hmmm?” sagot ni

