NIKITA’S POV Ang dami nilang pasalubong sa akin, may damit, bag at bracelets na gawa sa shells. Ang dami rin nilang kwento sa mga bagay na ginawa nila sa Palawan. Mukhang sulit na sulit nila ang bakasyon. Tinulungan ko silang ihatid ang mga gamit ni Mamita sa kwarto niya para makapagpahinga na siya dahil medyo pagod pa siya sa byahe. Pagkatapos ay nakigulo ako sa kanila para makinig sa masasayang kwento nila. “Saka ang dami palang foreigner doon, gusto ko na ngang mag-uwi ng isa para naman magkaroon ako ng anak na pwedeng maging beauty queen sa future,” pagdadaldal sa akin ni Len-len kaya natawa ako. “Lumaki rin naman ako sa tabing dagat pero mas masayang pa rin pala iyong dadayo ka sa ibang lugar para maglangoy. Ramdam na ramdam ko ang pagiging bakasyunista ko,” ani naman ni Fey. “N

