NIKITA’S POV Nang magising ako kinabukasan ay nakapikit na kinapa ko ang tabi ko pero napamulat ako nang hindi ko makapa si Xerxes. Wala na siya sa pwesto niya. Tumingin ako sa paligid at hindi ko rin siya makita kaya bumangon na ako. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pinto ng bathroom para pakinggan kung nasa loob ba siya pero wala naming kaluskos sa loob kaya pumasok na ako. Nang makalabas na ako ng banyo ay dumiretso na rin ako sa paglabas ng kwarto. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Doon ko naabutan si Xerxes na nagluluto. Agad na lumingon siya sa akin. “Good morning,” bati niya sa akin. “Good morning,” ganting bati ko sa kaniya at lumapit ako sa may coffee maker para gumawa ng kape. Dalawang tasa na ang kinuha ko para ipagtimpla ko na rin siya. Napalingon ako nang maramdaman ko siya

