NIKITA Medyo nagtagal ako sa bathroom dahil talagang nagpalamig ako sa ilalim ng shower. Iyong sabon na ginamit ko ay iyong kay Xerxes, actually kaniya din naman ang ginamit ko kahapon at kagabi. Kaya pakiramdam ko magkasing amoy na kaming dalawa. Iyong nagtatampo ako sa kaniya pero gamit pa rin naman niya ang ginamit ko. Oo, alam kong para lang akong tanga sa ginagawa ko pero gusto kong ipaalam sa kaniya na hindi ako papayag na sigaw-sigawan lang niya. Pero hindi ko talaga inaasahan na magso-sorry siya. Kasi lagi naman niyang pinamumukha sa akin na ayaw niya sa akin pero hindi ko alam na galante din pala siya sa taong ayaw niya dahil binigyan pa niya ako ng card. Matapos kong maligo ay towel din niya ang ginamit ko. Wala talaga akong gamit dito sa kwarto niya, biglaan kasing masyado kay

