NIKITA “Ibig mong sabihin, kayong dalawa lang ni Xerxes ang nakatira sa isang malaking bahay ngayon?” tanong ni Jelly sa akin. May hawak na siya ngayong sitserya na habang tutok na tutok siya sa akin. Kumuha dalaga siya ng makakain bago niya ako pinagkwento ng mga nangyari sa akin mula na tumira ako sa bahay. “Nagbakasyon lang sila, babalik din naman sila.” “Ito na ang chance mo. Akitin mo na ang asawa mo.” Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. “Nakakadiri naman sinasabi mo,” maarteng sagot ko sa kaniya. “Ay wow, ngayon ka pa nag-iinarte para naming hindi ka hirapang lumakad nong isang araw. Saka okay na iyong gawin mo, mag-asawa naman na kayo.” Kinindatan pa niya ako pero inikutan ko siya ng mata. “Alam mo kung ano man iyong nangyari sa amin, hindi na mauulit iyon. Ayoko na. Bwesit

