NIKITA’S POV “Ready?” Sabay kaming tumingin ni Alex kay Jelly nang muli siyang lumabas sa kwarto niya. Mukhang naligo lang siya ng mabilisan dahil medyo basa pa ang buhok niya. Naka-suot siya ngayon ng fitted maong jeans at maging ang pang-itaas niya ay hapit din kaya kita ang hubog ng katawan niya. Samantalang rubber shoes naman ang pangpaa niya. Halatang ready siya para sa amusement part. Pero iyong lipstick niya, pulang-pula. Parang iyon ang panlaban niya. Napangiti ako sa kaniya. “What?” muling tanong ni Jelly nang hindi ako tumayo. “Hindi ako makakasama.” Kumunot ang noo sa akin ni Jelly. “Bakit naman? Huwag kang mag-alala. Ihahatid ka rin naming pauwi.” “She’s married now, Jelly,” ani naman ni Alex. “Hindi na pwedeng sumama siya anytime gaya ng dati. May asawa nang maghahanap

