NIKITA’S POV Iyong helmet na hawak ko ay ipinalo ko sa likod ni Xerxes dahil sa sinabi niya. Napaigik ito sa ginawa ko bago mabilis na bumaba sa bigbike. “Bwesit ka talaga!” inis na saad ko. Ang lakas pa niyang mang-asar. Ngumisi siya sa akin. “Sure ka ayaw mo?” “Gusto mong literal na marating ang langit? Teka… hindi tayo sure doon ka talaga mapupunta,” saad ko at inirapan siya bago padabog na isinaksak ko sa tiyan niya ang helmet. Saka ako nagdadabog na lumapit sa front door. Gamit ang susing hawak ko ay binuksan ko ang pintuan. Nagkasunod naman sa akin si Xerxes. Hindi ko alam kung bakit parang good mood na siya ngayon samantalang kanina ay magkadikit na ang mga kilay niya kung makatingin sa mga kaibigan ko. Ayaw ba nila sa mga iyon? Nang makapasok ng loob ng bahay ay dire-diretso

