NIKITA’S POV Mabilis akong tumalon at inabot ko ang buhok ni Xerxes para sabunutan siya. Bwesit siya. Sabi ko na nga ba, pinagnanasaan niya ako. Kunwari pa ang animal na ito. “f**k, Nikita. Let me go!” daing niya habang hila-hila ko ang buhok niya. Matangkad siya kaya nakayuko na siya ngayon. “Hindi, kakalbuhin kitang manyakis ka!” sagot ko pero bigla niya akong hinawakan sa beywang ka kiniliti kaya napabitaw ako sa kaniya. Natawa ako ng malakas. “Xerxes!” sigaw ko sa pangalan niya para tantanan ang pagkiliti sa akin. Mapapaupo n asana ako sa sahig pero hinawakan niya ang beywang ko para hindi ako tuluyang matumba dahil sa ginawa niya. Tiningnan ko siya ng masama pero nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa beywang at buhatin na parang wala lang habang nakadikit ako sa beywang

