NIKITA’S POV Sabay kaming kumaing dalawa ng hapunan. Kaninang umaga, noong umalis ang mga kasama naming dito sa bahay, iniisip ko na solo lang ako palagi at baka late nang umuwi si Xerxes pero ang aga niyang umuwi at sinundo pa niya ako. Siya pa ang nagluto ng pagkain namin. Pakiramdam ko talaga may sumanib sa kaniya kaya siya nagkakaganito. Masarap siyang magluto. Parang kumain na rin ako sa Tasty Nook dahil sa lasa ng luto ni Xerxes. “How was it?” tanong niya sa akin. “Masarap. Hindi ko alam may talent ka pala sa pagluluto.” “Did you remember, I cooked something for you before.” Bigla itong natigilan sa sinabi niya. “I mean, bata pa lang ako, marunong na akong magluto.” Tumango na lang ako sa sinabi niya. Nadulas siya tungkol sa amin dati pero agad din naman niyang nilihis ang sina

