NIKITA’S POV MAAGA akong nagising at nang ma-realize kung wala nga pala kaming kasama ni Xerxes dito sa bahay ay mabilis akong bumangon. Kung kagabi nang matulog kami ay si Xerxes ang nakayakap sa akin, ngayong magising ako ay ako na ang nakaunan sa braso niya. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Parang bata siya palagi kong matulog. Nagtungo muna ako sa banyo bago ako dumiretso sa kusina para maghanda ng almusal naming dalawa. May nakita akong tapa kaya niluto ko iyon. Tapos nagsangag ako ng kanin. Nag-sunny side up din ako ng itlog. Pareho naman kaming nagkakape ni Xerxes kaya gumawa rin ako ng kape. Medyo nahirapan pa ako dahil coffee maker talaga ang timplahan ng kape dito, nasanay kasi ako sa mainit na tubig lang tapos 3-in-1 coffee. Habang naghahanda ako ng mesa

