Chapter 58

1716 Words

NIKITA'S POV Busy ako sa paglilinis ng buong bahay. Siguro kahit buong maghapon akong maglinis dito, hindi ko ito kayang tapusin pero hindi naman makalat at marumi kaya hindi ako nahihirapan. Gusto ko lang may gawin ako kaya para ngang naglalaro lang ako sa ginagawa ko. Pawisan na ako, pero exercise ko rin ito. Napahinto ako sa ginagawa ko nang biglang tumunog ang doorbell. Mabilis na sumilip ako sa bintana kung nasaan ako para tingnan kung sino ang tao sa gate. Kaso medyo malayo ang gate at mataas iyon kaya kahit nasa second floor ako ay hindi ko makita kung sino ang nasa labas. Bumaba ako at lumabas ng bahay. Iyong maliit na gate na lang ang binuksan ko para tingnan kung sino ang nasa labas pero nagkagulatan kaming dalawa nang makita ko kung sino ang babaeng nakatayo sa labas ng gate.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD