IZA’s POV Si Doz at Kuya Ivez ang nakita ko. “Mommy, i-introduce ko po sana kayo sa new friends ko. Si Sir Ivez at si Sir Doz.” Nakumpirma ang dalawang taong bahagi ng kahapong aking tinakasan. At si Doz—ang daddy ni Thereze. Tahimik lang ako. Sila lang bang dalawa ang nasa resort? Baka kasama rin nila sina Mama Cindy at Papa Lex. Miss ko na sila, pero paano ako lalapit kung nandoon si Doz? Si Doz lang naman ang gusto kong layuan. Ngunit mahihirapan akong gawin iyon kung may komunikasyon pa rin ako sa kanilang lahat. Ngayon, ang multong kinakatakutan ko ay nasa harapan ko na. Umakto na lang akong hindi ko sila kilala. Ano kaya ang mga nasabi ng anak ko sa kanila? “Siegfred, punta muna kami sa mall ni Thereze.” Wala siyang kaalam-alam na ang kaharap ng anak namin ay ang tunay nitong

