1
DOZ’s POV
“Kiss me! That’s the reward I want from you.” Walang pagdadalawang isip niyang wika sa akin.
Nakatingin ako sa kaniyang magandang mukha, habang nirerecite niya ang ‘Sonnet 18’ ni William Shakespere. Assignment nila ito na binigay ko nung isang araw. Late siyang pumasok sa klase kanina. Mayroon din akong mga estudyante na pumapasok sa remedial class ko at kasama ang mga lalaking laging nakasunod sa kaniya.
Kapag hindi gumagawa ng mga assignment at hindi nagpaparticipate sa klase ay binibigyan ko ng mababang grades. Gusto kong malaman nila na hindi lokohan ang klase ko.
Hindi ko alam kung bakit kanina sa klase ay hindi nag-recite si Iza ng tawagin ko ang pangalan niya.
“Miss Fondevilla, kindly recite the assignment that I gave to your classs the other day.”
Tumayo naman siya at nakatingin lang sa akin. Hindi nagsasalita at nakipagtitigan pa. Narinig ko na nagtawanan ang buong klase sa inaakto ni Iza.
“Did you do your homework, Miss Fondevilla?” Tanong ko pa sa kaniya.
“Yes, Sir!”
“Then recite the Sonnet 18!” Malakas na ang boses ko. Ayaw kong gawin ‘to sa kaniya ngunit hindi siya talaga nagsasalita. Uubusin niya yata ang pasensiya kong baon ngayon. Nakuha na nga ng mga kaklase niya ang inis ko, dumagdag pa siya.
“See me at my office after your class. You may sit down.” Utos ko sa kaniya. Tila balewala sa kaniya ang sinabi ko. Nakita ko pa siyang ngumiti sa kaklase niya. Kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang pag-ngiti ay hindi ko alam.
At ngayon, nandito siya sa opisina ko.
"Didn't you study? Didn't you do your homework?" hindi pa siya nakakaupo ay tinanong ko na siya. Wala rin akong planong paupuin siya dahil kailangan niyang gawin sa harapan ko ang hindi niya ginawa sa classroom kanina.
"I studied, of course. I did my assignment. I memorized Sonnet 18."
“Bakit hindi ka nag-recite kanina nung nasa klase ka? Sabihin mo na hindi ka nakikinig sa klase ko dahil lagi kang nakikipagbulungan sa mga tropa mo. Tropa mo ba iyong mga lalaki na hindi rin nag-recite?” napasandal ako sa aking upuan habang nakatingin sa kaniya.
“Paano po kung kaya kong i-recite? Ano ang reward ko?” Kailangan pala may reward. Sa klase ay hindi niya pwedeng sabihin ito.
“Kailangan ba talaga? Pero, sige. Name it and I will give it to you.” Siguro naman ay kaya kong ibigay ang nais niya.
“Sinabi mo po iyan, at di na mababawi.”
Pina-recite kong muli sa kaniya ang tula na kanilang assignment sa klase.
She managed to recite it, and she sounded beautiful. You could feel the emotions in every line she uttered. Unti-unti akong napatayo habang patuloy siyang nagre-recite. Nakasunod din sa akin ang kaniyang mata sa paggalaw ko. Napunta ako sa harapan ng aking mesa at dito ako naupo.
Pumalakpak ako pagkatapos niyang mag-recite. Walang kasing ganda ang pagdedeliver niya sa mga kaklase niyang nag-recite kanina.
“"Ang galing! Pero kahit maganda ang pagkaka-recite mo, passing grade lang ang maibibigay ko dahil hindi mo ginawa kanina sa klase. Anong ikinatatakot mo at hindi ka nag-recite?”
“Sir, may usapan na po tayo bago ko sundin ang iniuutos po ninyo. Wala po sa sinabi ko na pwede po ninyo akong tanungin. Oras na po para kunin ko ang aking gantimpala. May klase pa po ako kaya pwede ko na po bang makuha ang reward ko?” Wika niya sa akin.
“Anong reward ang gusto mo?” tanong ko sa kaniya at baka nga ma-late siya sa susunod niyang klase.
“I want you to kiss me. Kiss me! That’s the reward I want from you.” Lumapit siya sa akin. Walang halong pagbibiro ang makikita sa kaniyang mga mata.
Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Hindi ako makagalaw, totoo ba ang sinasabi niya sa akin? Ayos lang ba si Iza?
Ang sabi niya ay halikan ko siya, pero ngayon siya na ang lumalapit sa akin at tila siya na ang manghahalik.
Hindi ako makakilos, para na akong naging tuod sa pagkakaupo ko rito sa table. Malapit na ang kaniyang mukha, nang biglang bumukas ang pinto.
“Doz, ang tagal mo –“ nagulat pa si Ivez dahil sa nakita niya. Hindi pa naman magkalapat ang mga labi namin ni Iza.
“Vane? Anong ginagawa mo rito?” Natigil din sa paglapit si Iza sa akin dahil tinawag siya ni Ivez.
Unti-unting lumingon ito.
“Kuya Ivez, nagpa-practice po ng pagre-recite ng Sonnet 18. Hindi po kasi ako nakapag-recite kanina sa classroom. Huwag mo po akong isusumbong kay Mama.” Nakahinga ako. Nakaligtas ako kay Iza. Muntikan pa akong magkasala dahil sa nais niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan niya at naisipan niyang sabihin iyon. Tingin ko ay determinado talaga siyang gawin iyon. Mabuti na lang at dumating ang isa sa mga kakambal ko – si Ivez.
“May assignment ka rin sa klase ko, baka hindi mo rin ginawa.” Aniya ng kapatid ko. Pareho kaming professor sa paaralang ito. Siya talaga ang nauna na magturo sa akin. Bigla ko lang naisipan na mag-part time. Malakas lang sa administration dahil shareholders ang pamilya namin dito. Kaya dito rin kami mga nagsipagtapos.
“Ginawa ko na po, kagabi pa po, Kuya Ivez.”
“Eh, bakit ang assignment mo kay Doz, hindi mo ginawa?” Tumunog na ang bell at senyales na tapos na ang klase at magsisimula naman ang susunod.
“Kailangan ko na pong umalis. Baka ma-late po ako sa klase kong susunod. Sige po, maiwan ko na po kayo.” Nagmamadaling nagpaalam si Iza.
“Mag-aral nang mabuti, Vane!” pahabol pa ni Ivez.
“At ikaw? Kanina ka pa namin hinihintay. Ngayon dalawa na tayong hinihintay nila sa meeting.” Akala ko kasi ay sandali ko lang kakausapin si Isa. Pero napatagal pa kami dahil sa mga sinabi niya sa akin.
Palaisipan sa akin kung bakit sa dami ng kaniyang pwedeng hingiin na reward ay iyon pa. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya namin kapag ginawa ko iyon?