2

1394 Words
IZA’s POV “Ang lakas-lakas ng loob mong magsabi na kiss ang gusto mong reward kanina pero bigla ka ring urong? Duwag ka pala, e.” Kinakausap ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Sa restroom ako nagtungo pagkalabas ko mula sa room ni Kuya Doz. Wala naman akong klase dahil may meeting ang prof namin. Paano kung hindi kaya dumating si Kuya Ivez? Magagawa ko ba talaga? Si Kuya Doz, dapat ang humalik sa akin, pero muntikan na ako ang gumawa sa kaniya. “Nakakainis talaga siya! Kapag sa akin, ang sungit-sungit niya. Hindi naman siya dating ganiyan. Kapag ibang girls, kung ma-entertain niya wagas. Sa akin, napakaseryoso niya sa klase. Hindi man lang siya makangiti. Akala niya hindi ko sila nakita ni Ate Tinay na naghalikan? Tapos ako, may ginawa naman ako at reward iyon, bakit hindi niya ginawa? Hindi ako titigil talaga, hangga’t hindi ko siya nahahalikan o kaya siya ang gumawa sa akin.” Nagmo-monologue na ako rito. Inayos ko ang mahaba kong buhok. Itinali ko ito at ngayon ay naginhawahan ang aking leeg. Ang dami pa naman nagagandahan sa leeg ko. Maputi at makinis, hanggang sa batok. Nainitan ako dahil sa mga pinag-iisip ko. Nag-spray rin ako ng cologne ko, para siguradong mabango ako. Isinakbit ko na ang aking bag. Binitbit ko ang isa kong book at inistima ko pa ang aking hitsura bago ako lumabas ng restroom. “Perfect! Pero hindi ka pa rin papansinin ni Kuya Doz, girl!” Kontrabida itong isip ko. Lumabas na ako at baka nakatambay ang mga tropa ko rito sa school. Boys din ang mga kasama ko palagi rito. May nanliligaw sa akin, pero hindi ko naman siya type. Sinabi ko na rin sa kaniya, para hindi siya aasa. At sinabi ko pa sa kanilang lahat na hindi kami mga talo. Kaya friends na lang kami. Hindi ang mga tulad nila ang tipo ko na maging boyfriend. Sa bahay ay boys din ang lagi kong mga kasama. Ewan ba, bakit puro lalaki ang nagiging kaibigan ko? Mayroong babae – si Crystal. Kaya lang, umiiwas ako sa kaniya nitong mga nakaraan. Ayaw kong makita ang Ate niya simula noong nakita ko silang nag-kiss ni Kuya Doz. Panay na nga ang message sa akin ni Crystal. Hindi naman ako galit sa kaniya. Sa Ate lang niya, naiinis ako. Kung makapagsabi sa akin, akala mo kung sino? Sabagay, lamang siya sa akin. Na-i-kiss na niya si Kuya Doz. At may iba pa siyang kwento, kaya hindi na ako pumupunta sa kanila, kahit hindi naman siya ang dapat kong sadyain. Kilig na kilig nga siya. Dapat, ganoon ang nararamdaman ko ngayon kung ginawa ni Kuya Doz ang hiningi kong reward. Matitikman ko na sana ang mapupulang mga labi ni Kuya Doz. “Guys, nandito na si Vane!” Anunsiyo nitong si Tom pagkakita sa akin. Nandito sila sa ilalim ng puno. Ito ang tambayan namin. “Ako lang ito, boys! Kumalma kayo! Bakit ba? Anong mayroon at kung makapag-announce ka sa pagdating ko, wagas?” tanong ko sa kanila habang umuupo ako sa tabi ni Jabin. Ito ang dating nanligaw sa akin pero binasted ko dahil bawal pa at hindi ko siya gusto. Araw-araw na lang ang paalala sa akin ni Mama Cindy. Kung hindi lang masamang magpakita ng masama, tatakpan ko talaga ang mga tainga ko, kapag nagbibilin sa akin. Kaya lang mali iyon. Hindi ko na lang dinidibdib ang mga sinasabi ni Mama Cindy. Pero number one na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng boyfriend. “Wala kaming remedial class kay Prof Martin, mamaya. Wala na rin tayong klase. Pwede tayong gumala muna bago tayo magsiuwi. Ihahatid ka na lang namin, o di kaya ibabalik ka namin dito sa school para dito ka pa rin sunduin ng service mo. Ano sa tingin mo? Ayos ba?” Si Garry naman ang sumagot. Lahat ng tropa ko ay pumapasok sa remedial class ni Kuya Doz. At gusto kong mag-remedial din kaya sinadya kong hindi mag-recite kanina. Sinabi ko pa sa katabi ko na makakasali na ako dahil hindi ako sumagot. Pero iba ang sinabi sa akin. Pinapunta lang ako sa opisina niya. Walang binanggit about remedial class. “Ano na?” biglang lapit sa akin nitong si Eugene. “Ang bango talaga!” sambit nito at ginaya pa ang tila naglaba ng damit na nabanguhan sa sabon na ginamit. “Mr. Alegre, anong ginagawa mo kay Miss Fondevilla?” Nagulat ako sa malakas na boses. Nasa tabi ko na si Eugene. Tuluyang naupo at inaamoy-amoy ako. Tumatawa pa ako sa ginagawa ni Eugene. Hindi naman dumadampi sa balat ko ang anumang parte ng mukha niya. Alam nila ang limitasyon ko sa kanila. “Prof, inaamoy ko lang po si Vane. Ang bango po kasi ng cologne niya. Amuyin po ninyo, para malaman po ninyo na hindi po ako nagsisinungalin. Ipaamoy mo nga Vane, kay Prof.” Tumayo si Eugene bago sumagot. Gusto kong tumawa nang malakas dahil para siyang sumasagot sa recitation sa classroom. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Kaloka rin itong isang ito at in-advertise pa ako kay Kuya Doz. Pero okay lang sa akin kung si Kuya Doz ang aamoy, kahit idikit pa niya ang mga labi niya. Kaya nakangiti ako pagharap ko kay Kuya Doz. “Gusto po ninyong amuyin?” Tanong ko nga sa kaniya. Hindi naman ako tumayo, nanatili akong nakaupo at nilingon ko lang siya. Hindi ko siya matawag na Kuya, sa harapan ng mga tropa ko. Kahit alam nilang Kuya ko ito at si Kuya Ivez. Masama ang tingin nito sa akin. Halatang nanggagalaiti sa galit. “Sumunod ka sa akin. Isasabay kita sa pag-uwi!” Utos nito at imbis na matakot ako kay Kuya Doz, natuwa naman ako dahil makakasama ko siya. Mabilis ang pagtayo ko. “Bye, boys! See you tomorrow!” Masayang paalam ko sa mga ito. Wala naman silang alam na may kakaiba akong nararamdaman kay Kuya Doz. Ako lang at ang aking mahiwagang diary. “Makukuha ko na ba ang reward ko?” Binilisan ko ang aking paglalakad para masabayan ko si Kuya Doz. Pwede naman, kaming dalawa lang sa kaniyang kotse. Malaya niya akong mahahalikan o di kaya ay ako na lang ang hahalik sa kaniya. Nilingon ako nito at masama pa rin ang tingin sa akin. “Wala naman makakakita at wala akong pagsasabihan.” Dagdag ko pang wika sa kaniya. Ngayon, medyo maamo na ang pagsasalita ko. Baka kailangan ko lang siyang lambingin muna. Hindi pa rin ito nagsalita at pagdating namin sa kaniyang sasakyan. “Akala ko nandito ka na, kaya dumiretso na ako rito.” Professor ito rito sa campus. Pero hindi ko pa siya nagiging prof, kahit nasa second year college na ako. “Dinaanan ko pa si Iza. Pinasasabay kasi ni Mama. Pasensiya na kung naghintay ka.” Ang sweet naman niya sa kaniyang kausap. Ganito ba talaga siya sa ibang babae? Sexy rin ang isang ito. Malaki ang dibdib, pero wala siyang likuran. Hindi katulad ko, maganda na ang harapan, at maganda rin ang aking likuran. Hindi pa kasama ang usapang mukha. Mas maganda ako sa professor na ito. “Naku, ayos lang. Isasama ba natin siya?” napatingin pa silang dalawa sa akin pero kay Kuya Doz ako tumingin. Siya ang gusto ko at hindi itong kasama niya. “Ihahatid muna natin sa kanila. Saka tayo tutuloy sa ating pupuntahan.” Sagot sa kaniya ni Kuya Doz. Nauna pa niyang pinagbuksan ang babae at sa harapan niya pinaupo. Pinagbuksan din niya ako, pero dito ako sa likuran. Inirapan ko na ito. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya sa akin. Mas lalo lang nadagdagan ang inis ko dahil panay pa ang kwentuhan nilang dalawa. Tumatawa siya sa mga kwento nitong babae. Feelingera rin, eh! Isinuot ko ang aking head phones. Ipinikit ko na ang mga mata ko at isinandal ko na lang sa head rest ang aking ulo. Bahala silang dalawa. Hindi ko alam kung nakatulog ba ako? Tumahimik ang paligid ko. Wala naman akong pinapakinggan na tugtog. Iniisip ko lang na baka may iba na silang pag-usapan kapag nagtulug-tulugan na ako. Gusto kong malaman kung anong real score sa kanilang dalawa nitong prof. Kanina pa may pahataw-hataw itong nalalaman. Kunwari hinahataw pero ang totoo, nananantsing na siya kay Kuya Doz. Gustong-gusto rin naman kasi. Nag-kiss na rin kaya sila nitong professor na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD