DOZ'S POV Umuwi kaagad ako kagabi, matapos ang nangyaring paghalik ko kay Isa. Mali, matapos ang halikan naming dalawa. Iyon ang mas tamang tawag sa nangyari. Sinabi ko na lamang na hilo na ako sa alak na naimom ko. Ngunit ang totoo ay sa halik ni Isa ako nalasing. Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Mama Cindy at Papa Lex? Bantay-salakay ako? Ako ang dapat mag-protekta sa dalaga nila, pero ano ang ginawa ko? Sinamantala ko ang kagustuhan niya na hindi pa niya nalalaman. Bata pa si Isa. Katutuntong pa lang niya sa edad na 18 years old. Masyado pa siyang bata. Ang sabi ni Mama Cindy ay magtapos muna si Isa sa pag-aaral bago harapin ang pagtanggap ng manliligaw. Pero may in-entertain na siya sa school — si Mr. Jamaliel. Hindi ako pumasok ngayong araw dahil masama ang pakiramdam ko.

