DOZ’s POV Apat na taon na ang nakalipas simula nang matagpuan ang plaka ni Iza sa mga sumabog na sasakyan. Ipinagluluksa nila ang araw na ito at inaalala siya. Kung ipinagdarasal nila ang kaluluwa ni Iza, ako naman ay nagdarasal na makita ko siya. Ganoon na katagal, ngunit ang nararamdaman kong kalungkutan ay tila wala nang katapusan. Umaasa pa rin ang puso ko na makikita ko siya balang araw. Hindi ko matanggap ang sinasabi nilang patay na si Iza. May kakaiba akong nararamdaman sa puso ko. Humaharap naman ako sa kanila. Sumasama ako sa mga family gathering. Pero walang araw na hindi ko binabalikan ang mga alaala naming dalawa ni Iza. Namumuhay ako sa nakaraan. Ilang beses na akong isinama nina Ivez sa bar para makakilala ng ibang babae, para makalimot kay Iza. Pero ang puso ko, nananat

