DOZ’s POV Ilang araw kaming hindi nagkita ni Iza. Naging abala ako sa conference na pinuntahan namin ni Miss Zamora. Nagkataon na hindi pa kami muling nagkakausap ni Iza, kaya umalis ako na hindi pa kami okay na dalawa. Bigla ang pagpunta namin dahil dapat si Mommy iyon, kaya lang dahil nailipat na sa akin ang posisyon, ako na ang dapat pumunta. Tama lang din ang pag-alis ko. Hindi naman ito ang first time na nalayo ako kay Iza nang matagal. Ang ipinagkaiba lang nito ay hindi kami okay na dalawa ngayon. May namamagitang hindi pagkakaintindihan sa amin ni Iza. Kung paano ko ito aayusin ay hindi ko pa alam. Napapansin ko, habang ipinipilit ko ang sarili ko sa kaniya ay mas lalo naman siyang nagagalit sa akin. Kung masaya siya kay Mr. Jamaliel, dapat ko na siyang hayaan. Iyon naman ang gus

